Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 26
"Ano nang score?" Tanong ko kay Rui habang naglalakad patungo sa pinakamalapit na bench sa amin.
"Thirty eight," tipid na sagot ni Rui.
Humarap ako sa kanya at ngumuso. May hawak siyang malinis na bimpo habang ang isang kamay naman niya ay may hawak na Gatorade.
Tumingin ako sa kanyang mga kagrupong nagtitipon-tipon habang nagsasalita ang kanilang Coach. Nakita kong panay ang sulyap ng lalaking pinababalik si Rui kanina sa gawi namin.
"Hey," ani Rui.
Nilingon ko siya at pinaningkitan ng mga mata. "The break only lasts for fifteen minutes, Rui. Go over there and listen to the game plan," utos ko.
Umiling siya at pinasadahan ng palad ang kanyang buhok. Binuksan niya ang hawak na Gatorade at uminom mula roon. Nakatitig siya sa akin habang ginagawa niya iyon.
"At anong sinabi ng teammate mo? Kakain? Gusto yata niyang tamaan nang magaling iyong appendix niya, ah?" Sarkastiko kong sinabi.
Ngumisi sa akin si Rui at inabot sa akin ang hawak na Gatorade. Tinanggap ko iyon at inilapag sa inuupuan kong bench. Napasinghap ako nang bigla niyang hablutin ang hawak kong supot at walang habas na kinuha mula roon ang blueberry cupcake na binili ko kanina.
"For me?" Tanong niya.
Napanguso ako. "Oo."
"Bakit isa lang?" Tanong niya.
"Isang malupit na sikreto ko na iyon," sagot ko. "Mamaya mo na nga iyan kainin!" I hissed. Akmang bubuksan niya na iyong box nang sawayin ko siya. "Ipanalo mo muna." I sent him a warning glare.
"Nagdududa ka pa sa kakayahan ko?" Nakangisi niyang tanong.
"Oo," mabilis kong sagot at inirapan siya. "Bumalik ka na nga roon at baka mapagbuntunan ako ng Coach ninyo," utos ko.
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Mapagbuntunan? Bakit?" Tanong niya.
I looked at him ridiculously. "Of course. Inaagaw ko ang atensyon mo sa team. Mamaya na tayo mag-bonding, pwede? Ipanalo mo ito," mahinahon kong paliwanag.
"Alright." He grinned at me. "Don't I get a goodluck kiss?" Hirit pa niya.
"Tara nga rito," I huffed in annoyance.
Umupo sa tabi ko si Rui nang patagilid upang nakaharap siya sa akin. Kinuha ko ang puting bimpo sa kanyang kamay niya at pinunasan ang pawisan niyang mukha. Saglit siyang natigilan sa ginawa ko.
"Oh, bakit?" Tanong ko. "Pagkatapos nito ay bumalik ka na roon, ah? At huwag kang kakain," I warned him. "Abnuy iyong teammate mo. Balak pa yatang ibenta ang laro."
"What he meant by that was to rehydrate ourselves," Rui explained.
Sinalubong ko ang kanyang mga matang mapupungay na nagmamasid sa akin.
Nagkibit balikat ako. "Well, that's not the right way to say it," depensa ko sa sarili ko.
Hinawakan niya ang kamay kong ngayon ay pinupunasan na ang leeg niya. Inilayo niya iyon at inangat upang dalhin patungo sa kanyang mga labi.
Kumalabog ang aking dibdib. I stared at him, confused. I just remembered something.
More like... someone.
He kissed my knuckles while staring at me intently. Nakaramdam ako ng kakaiba at napakurap sa kanya.
Rui has always been intimate. He's the sweetest. Sa lahat ng mga pinsan kong lalaki ay siya lang ang naging ka-close ko nang ganito. Natural lang para sa kanya na umakto ng ganito pagdating sa akin. I bet, I'm his favorite cousin, too.

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
General FictionLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...