Chapter 7
“Huwag! Huwag! Tulong!” hysterical kong sigaw.
Walang patid ang aking pagluha. If I’d look in the mirror, I could only see the black and blue me. Nababalot ng maraming mga pasa ang aking katawan.
Muli niya akong ginawaran ng isang malakas na sampal. Halos tumabingi ang aking pisngi sa impact niyon.
“Your filthy mouth really annoys me!” He cupped my face harshly. Napangiwi ako sa sakit na dinulot niyon.
“Jee!”
Humikbi ako, walang kalaban-laban. I never thought that I’d undergo this kind of torture. Buong akala ko ay nag-eexist lang ito sa mga movies. Pero hindi. I’m experiencing it firsthand, and it’s sickening. I never wished for myself to be a rape victim. Never in my wildest dreams.
“Jee!”
Umungol ako nang may naramdamang pagtapik sa aking balikat. Himala, hindi niya yata ako sinasaktan. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang mukha ni Kuya Jordan.
“You were having a nightmare?” Kumunot ang noo niya at hinagilap ang aking noo. Lumapat ang likod ng palad niya roon bago sa aking leeg. “May lagnat ka. Ano na namang pinaggagagawa mo sa sarili mo?” seryoso niyang tanong.
Napalunok ako at tiningnan ang kanyang katawang naka-burles. Bumaha ang iba’t ibang imahe sa aking isipan. Mga mapapait na imahe. Pumikit ako nang mariin at pilit na ikinalma ang sarili. Kumalabog ang dibdib ko sa takot at kaba. I was trying not to whimper and grimace before him.
“Sino nagsabing p’wede kang pumasok sa kwarto ko kailan mo man gustuhin?” matatag kong sinabi. I stared at him, emotionless. I held my head high. Hindi niya alam kung gaano ang pagpipigil kong bumunghalit ng iyak sa harap niya, ang ipakita kung gaano ako kahina.
Kung paanong ang isang tulad ko ay minsan nang napagsamantalahan.
“Get out!” I screamed. Matatalim na tingin ang tinamo niya mula sa akin bago niya walang imik na nilisan ang aking kwarto. He also locked the door.
Kusang tumulo ang aking mga luha nang maglaho siya sa paningin ko. Doon ko na rin pinakawalan ang hikbing kanina ko pa sinusupil. I’m trying hard to forget. I’m giving my best to move forward.
Ngunit hindi ko magawa-gawa dahil gabi-gabi ako hinahabol ng bangungot na iyon.
No one knows. No one. Just me and that man.
Noong araw na iyon, wala akong ideya kung paano ako nakarating sa bahay nang buhay at buo. I spent the whole night with the mystery man. I was too exhausted I passed out.
Nagising na lang akong nasa loob na ng sarili kong kwarto; sa pad ko. I spent the whole day crying alone inside my room. Wala si Kuya Jordan buong araw dahil may importante siyang meeting na nilakad.
The memories were all still fresh to me. Nagtataka na rin si Kuya Jordan dahil napansin niyang hindi na ako pumapasok pero wala siyang sinasabi. Hindi niya ako sinisita. He was probably thinking that there was something serious going on. Tutal ay hindi niya na rin ako makausap nang matino.
Sa tuwing nakikita ko si Kuya Jordan ay ganoon na lang ang pagsibol ng takot sa dibdib ko. Sa tingin ko’y hindi ko na magagawang tumingin sa mga lalaki nang walang halong pangamba. I know that he’s worried sick, but I still won’t let him in.
Malalagpasan ko ito nang ako lang. Kaya ko ito nang ako lang.
Ngunit sadyang mapagbiro talaga ang tadhana dahil lumipas na ang tatlong buwan ay sariwang-sariwa pa rin sa akin ang lahat. I just can’t get it out of my fucking mind. Hindi na rin ako pinatutulog niyon nang maayos sa gabi. Araw-araw kong sinisisi ang sarili dahil kasalanan ko ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
Fiction généraleLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...