Chapter 69

34.4K 1.3K 354
                                        

Chapter 69

That night, Matteo fell asleep as soon as his head hit the softest pillow in my bed. Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha—na tila hindi ko magawang kamuhian at tuluyang kalimutan sa mga taong nagdaan. I tried, okay. I really did. Saksi ang mga tala sa bawat pagpatak ng aking mga luha at ang buwan na siyang nagsilbing ilaw sa daan na matagal ko nang tinalikuran.

His responses earlier were too vague, but I knew that he was also subtly giving me hints. Sumasakit ang aking ulo sa pag-iisip. Ilang beses akong napailing, minumura ang aking sarili sa isipan. I knew that this would fucking happen. I should have left him at PS, and let those girls have their nasty way with him. Mas mainam sana kung hindi na lamang ako nakialam pa.

Nang maranasan niya naman ang ganoong klaseng pananamantala, hindi ba?

At kasalanan ko bang mukhang tinutuka na siya ng karma ngayon?

Suminghap ako at nilingon ang aking bedside table. Nanliit ang mga mata ko nang maaninag mula roon ang isang cellphone. I was pretty sure that it wasn’t mine. Sa kulay pa lang ay makukumpirma ko nang ibang tao ang nagmamay-ari niyon. At sino lang ba ang tao rito sa pad ko bukod sa akin? Walang iba kundi si Matteo. Ang dali lang mangialam ng gamit ng mga tao pero hindi ko ginagawa.

I bit my lower lip and tried to focus on more important and relevant matters. Wala na kayo, Jee. Hindi ka na dapat maapektuhan nang ganito. The aggravating man was just trying to lure you into coming back to his deceiving reality. You should know better. Huwag mong itapon ang common sense mo para lamang sa isang lalaki.

Huwag kang magpakulong sa isang maling pag-ibig.

He cheated on you.

Always remember that.

Napapikit ako nang mariin at agad siyang tinalikuran. Mabibigat ang aking mga hakbang patungo sa kitchen. Given Matteo’s pathetic physical state, I doubt na magising pa iyon sa ingay na likha ng aking pagdadabog. So what? He was under my roof. My house, my rules. Pasalamat na nga lang siya’t sinapian ako ng once in a lifetime na kabaitan upang kupkupin siya para sa gabing ito.

Binuksan ko ang isang cabinet at kinuha mula roon ang isang bote ng Henny. Padabog ko iyong inilapag sa table. Mabilis akong dumampot ng ice cubes mula sa fridge at nagsalin ng alak para sa aking sarili. This was all my fault. Right now, Sari and I could have been having fun at PS. Wala siguro akong iniisip na kung anong kumplikado ngayong gabi.

I sighed, frustrated. “Putanginang buhay ito. Wala na akong masabi.”

Sinamaan ko ng tingin ang alak na nasa aking harapan. “Sa tingin mo, anong balak niya ngayon?” I asked dumbly.

“To win you back.”

Napatalon ako nang mayroong biglang sumagot mula sa aking likod. My eyes widened in disbelief. Nakatayo mula roon si Matteo at hindi man lang nag-abalang magsuot ng kung ano bilang panabing. Tinatagan ko ang aking sarili at nilabanan ang kanyang mabibigat na mga titig. Ayaw kong maging marupok sa sitwasyong ito. Never again.

Kahit naman naliligo sa peklat ang kanyang katawan ay hindi maipagkakailang literal na Adonis ang gagong ito.

“Huwag mo ako paandaran ng ganyan,” pabalang kong sinabi. “Hindi na uubra iyan.”

Huminga siya nang malalim at sinalubong ang aking tingin. “Seryoso ako,” he added lowly. “Kailan ba ako hindi nagseryoso sa’yo?”

My lips twitched. “If there’s someone who can answer your question,” I began, looking him dead in the eye. “it’s you.”

And Matteo—being Matteo, had the fucking nerve to smirk at me. “I know,” kampante niyang sinabi. Tila may kumirot sa parte ng kanyang katawan dahilan upang mapangiwi siya. Umismid naman ako at muling nagsalin ng alak sa aking wine glass. I didn’t want to pay attention too much. My insides seemed to be acting weird at the sight of him, eliciting an extremely unwanted reaction.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon