Chapter 11
“How was life, Jee?” tanong ni Harris habang ngumunguya ng tuna sandwich.
Mula sa tahimik kong pagkain ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Still life.”
Si Kuya Jordan ay abala sa pagtitipa sa kanyang cellphone habang si Trinidad naman ay kumakain din na parang walang pakialam sa paligid. Tahimik lang na sumisimsim si Rui sa kanyang iced tea.
Harris made a face. “Ganyan nga siguro sumagot ang mga aspiring law students na katulad mo.”
HUH?
Kumunot ang noo ko. “What? May mali ba sa sinabi ko?”
“Wala naman.” Ngumisi siya. “You know what? Kulang ka lang sa rave, couz.” He wagged his eyebrows.
May kung anong lumukob na pangamba sa aking dibdib.
I tried hard not to grimace at the thought. Aside from the university and my pad, wala na akong planong pumunta pa sa ibang mga lugar unless it would be necessary at tinatawag talaga ng pagkakataon.
Tumikhim si Kuya Jordan upang kunin ang atensyon namin. Napalingon kami sa kanya.
“So, what’s the plan?” kuryoso niyang tanong.
“P-plan a-about w-wha?” ani Trinidad na may nabubulok na table manners.
Harris shot him a disgusted look. “Dude, seriously? Talking when your mouth is full? Gross.”
Umismid lang si Trinidad at inignora ang komento ni Harris.
“Game naman ba si Jee sa party?” Pinagmasdan ako ni Rui nang mabuti.
Napalunok ako. May hindi ako mawari sa mga mata niya. It felt like he knew something. No. Sa tingin ko’y may nahahalata siya. Siguro ay sa mga ikinikilos ko. He knew better. Hindi p’wede. Wala siyang p’wedeng malaman sa lahat ng mga nangyari sa akin. Kahit sino ay hindi p’wede. I could keep this to myself. I could handle it until I could finally say and declare that I was over it.
I didn’t need anyone’s pity and sorry.
Napalingon sa akin si Harris. “She’s always down for it. She’s always at it.”
Gusto kong humindi pero hindi ko alam kung sa paanong paraan ko iyon sasabihin. Partying was my cardio. Was. Sa oras na tumutol at hindi ako sumama sa plano nilang pagpa-party ay paniguradong magtataka sila at babahain nila ako ng mga tanong.
Mga tanong na hindi ko alam kung paano sagutin. There was no doubt that I was good at sugarcoating and lying. Wala nang kuwestiyon doon. Pero sa tuwing gumugunita sa aking alaala ang mga nangyari ay natatakot ako, nauutal, at nanginginig sa maraming posibilidad na hindi ko naman mabigyang pangalan.
What possibility, Jee?
“Jee?” pukaw ni Kuya Jordan.
Napakurap-kurap ako at bumaling sa kanya. “Bakit?”
“The usual. We’re going to throw a Christmas party bago tayo umuwi sa Cebu. Dating gawi. Friends and acquaintances ang mga invited. G?” He looked neutral about this.
Kinagat ko ang aking labi. “Kayong bahala.”
Nagtaas ng kilay si Rui. May kung anong bumikig sa lalamunan ko pero hindi siya nagsalita. He was keeping an eye on me.
“What’s with your answer?” kunot-noong tanong ni Harris. “It was always a ‘yes’ before.”
“People change, feelings fade,” Trinidad mused absentmindedly.
BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
General FictionLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...