Chapter 2
Ilang araw ko nang kinukulit si Xairus upang sabihin sa akin kung sino iyong pumunta sa university namin na tinawag niyang ‘Kuya’. At ilang araw na rin akong hindi sinasagot ni Xairus sa tuwing magtatanong ako.
Honestly? Nag-uumpisa nang uminit ang ulo ko sa kanya. Kung alam ko naman kasing may Macho Papa na kapatid itong si Xairus ay sana hindi ko na siya ni-bully noon pa man.
Baka kung ganoon, matagal niya nang sinagot ang tanong ko at hindi iyong nagpapakahirap pa ako nang ganito.
Wala sa bokabularyo ko ang maghabol.
Sadyang natuyo lang ang utak ko kay Macho Papa.
“Hindi ka makakakopya sa major test natin mamaya, gago!” padabog kong sinabi habang naglalakad kami papunta sa next class namin. Nilagpasan ko siya at naunang pumasok sa classroom.
Umupo ako sa pinakaharap at humalukipkip.
Talagang hindi ka makakakopya dahil hindi ako pupwesto sa likod kung saan tayo karaniwang nakaupo. Manigas ka riyan at ang utak mong bineberde at inaagnas.
Naiirita talaga ako kay Xairus. Simpleng sagot lang naman ang hinihingi ko, e. Bakit hindi niya pa maibigay?
Pinagmasdan ko ang kalabaw kong kaibigan na nakatiim ang mga labi habang nakatitig sa akin.
Ano ka ngayon?
Bumagsak ka mag-isa mo, France.
Isang pangalan lang ang kailangan mong banggitin at papasa ka sa major natin. Para saan pa ang pagkakaibigan natin, hindi ba? Madali lang ang magpakopya.
“Jee…” Napalunok si Xairus at mukhang malapit nang bumigay.
Bakit ka nagmamatigas, Xairus?
Bumukas ang pinto ng classroom at nagsipasok ang iba pa naming mga kaklase. Isa-isa silang naghanap ng pwesto at umupo agad. Napakurap-kurap si Xairus nang biglang may umupo sa magkabilang gilid ko.
Ngumisi ako. Wala ka na talagang pwesto ngayon, Xairus.
Pasimple akong sumulyap sa likod at nakitang may dalawang bakanteng upuan pa roon. Saktong-saktong sana para sa aming dalawa pero dahil matigas ang ulo niya, matuto siyang manindigan.
Hindi ko na siya muling tinapunan ng tingin. Inayos ko ang sarili ko at naghanda na ng ballpen at nag-skim ng notes kahit hindi naman na kailangan. Noong mismong araw na ituro ito ni Sir Pelaez ay siya ring araw na nakuha, naintindihan, at nakabisado ko ang topic na iyon.
Basic.
Pinilig ko ang aking ulo at lumipad ang aking isip sa lalaking tinawag ni Xairus na ‘Kuya’. Simula ngayon ay Macho Papa na muna ang tawag ko sa kanya. May posibilidad mang pinsan lang iyon ni Xairus o kaya nakatatandang kaibigan, mas malakas pa rin ang kutob kong magkapatid sila. At naniniwala ako sa mga kutob ko.
Palagi kasing tama.
Biglang tumahimik ang buong klase nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Sir Pelaez—ang professor kong panot at mukhang nanghihina na dala ng katandaan. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa ito nagre-resign. Gipit lang?
Binay? Binay.
“Let’s begin,” anunsyo ni Sir Pelaez.
Nag-distribute na siya ng questionnaires. Ipinasa ko iyon sa likod ko at pasimpleng sumulyap kay Xairus na mukhang malalim ang iniisip. Nagkibit-balikat ako at itinuon ang atensyon sa long test namin.
Inuna kong sagutan ang bonus question.
How a Bill Becomes a Law (step-by-step procedure).
Tsss! Feeling ko talaga, give away lang itong long test namin. Like really? Napakadali kong natapos ang lahat nang hindi man lang pinagpapawisan. Dire-diretso lang ang pagsusulat ko ng mga sagot hanggang sa kahuli-hulihang item. Ni-review ko ang mga sagot ko bago tumayo upang magpasa ng papel.
Nag-angat ng tingin sa akin ang buong klase pati na rin si Sir Pelaez na napa-adjust pa ng kanyang salamin.
“Yes, Miss Camince?” tanong ni Sir Pelaez.
Hindi ako sumagot at inilapag lang ang aking papel sa kanyang table. Bumaba ang tingin niya roon at saka naiiling na ngumiti.
Bumalik ako sa aking upuan at bago umupo ay tumingin muna ako sa gawi kung nasaan si Xairus. Napakunot ako ng noo. Nakahilig kasi siya sa upuan at naka-de cuatro habang nakatulala sa bintana.
Tiningnan ko ang papel niya, na kahit sa malayo ay malinaw pa rin para sa akin dahil sa 20/20 kong vision.
HUH?
May mga sagot siya at mukhang mahaba ang kanyang eksplanasyon sa parte kung saan ay essay-type ang test.
Nagkibit-balikat ako at umupo. Kinuha ko ang ‘kikay kit’ ko sa bag at nag-retouch. Wala namang maisusumbat sa akin si Sir Pelaez dahil maayos naman ako sa kanyang klase. Madalas ko mang i-address siyang panot tuwing debate, I could still manage to impress him. Iyong mga written exams niya? Kung hindi 100% ay 98% ang nagiging pinakamababang grado ko.
At bakit may 98%?
Nagbibigay kasi ang matandang hukluban na iyan ng deductions kapag hindi mo naisusulat iyong date, section, course, etc. Para siyang gunggong, ano? As if namang maaaring gawing basis ang mga iyon para sa grado ng isang estudyante.
Napataas ang kilay ko nang may narinig akong pag-urong ng upuan sa likod ng klase. Hindi ako lumingon at nagpanggap na inaabala ang sarili sa pagsuri sa pink kong nail polish.
Sino kaya iyong nakatapos? Halos magkasunod lang kami?
Relax lang, Jee. Baka may itatanong lang sa iyon sa professor n’yo.
Itinago ko ang pagkagulat sa aking mukha nang si Xairus Treyford Rae France ang nakita kong nagmartsa patungo sa table ni Sir Pelaez upang magpasa ng kanyang papel. Mas lalo akong nagtaka.
Ang bilis niya naman?
May kung anong pumitik sa aking utak. Baka nanghula na naman ng sagot ang kalabaw na ito.
Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang huminto si Xairus sa mismong harap ko. Sinalubong ko ang nag-aapoy niyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit biglang kumalabog nang husto ang dibdib ko.
Bakit siya ganyan? Galit ba siya? Bakit? Kasi hindi ko siya pinakopya? Aba’y dapat lang iyon sa kanya, ano? Matuto naman siyang mag-isa.
Padabog niyang ibinagsak ang kanyang mga kamay sa armchair ko. Biglang kumulo ang dugo ko at akmang sisinghalan na siya nang bigla siyang magsalita.
“Matteo Waderick Rae France…” Kumuyom ang kanyang panga at kitang-kita ko ang panghahamon sa kanyang mga mata. “Masaya ka na?”
Napaawang ang aking bibig.
Wow, ulam ba iyon?
BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
Narrativa generaleLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...
![Decadence [Published]](https://img.wattpad.com/cover/58460757-64-k114935.jpg)