Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 55
Dinala ako ni Matteo sa isang seafood restaurant. He had decided it himself. Hindi kasi ako makapag-isip ng matinong pagkain ayon sa kanya. Mahilig daw ako sa unhealthy at hindi raw maganda iyon. Nagkibit-balikat lang ako at hinayaan siyang tumalak nang tumalak, sinesermunan ako sa unhealthy habits ko.
Kung ganoon ay sana nagdoktor na lang siya, hindi ba? Nakakatawa mang isipin subalit halos lahat ng kakilala kong mga doktor ay may mga bisyo; alak, sigarilyo. Name it. Nakaugalian na raw nilang dalhin iyon hanggang sa pagtanda dahil noong college days nila ay pagyoyosi ang naging stress reliever nila. Their excuse seemed invalid to me.
For me, food is the best stress reliever that's why there's something we call stress eating. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi ako tumataba kahit anong kain ko gawa ng fast metabolism.
"Shrimp barbecue," I told the waiter. "with two extra rice and strawberry juice please," I added, smiling. Nilingon ko si Matteo na taimtim na nagmamasid sa akin.
"Is there anything you'd like to order, Sir?" magalang na tanong ng waiter. He was wearing a blue uniform and black vest. Naka-bow tie rin ito at mukhang matagal na sa ganitong trabaho.
Umiling si Matteo habang nakatitig pa rin sa akin. Medyo nailang naman ako sa tinging ibinibigay niya. Nakahalata ang waiter at nagpalipat-lipat ng tingin nito sa aming dalawa.
Bumaling ako sa waiter at nahihiyang ngumiti. "That would be all," I informed him. Tumingin ito sa akin at tumango. Bago tuluyang umalis ay sumulyap siya kay Matteo.
"Drop it." Pinandilatan ko si Matteo. "Nawiwirduhan na tuloy iyong waiter sa atin. Baka kung anu-ano na ang iniisip niya." Umiling ako at hinagilap ng tingin ang waiter sa paligid.
He's nowhere to be found. Nilingon ko ulit si Matteo na ngayon ay nakangisi. Huminga ako nang malalim at sinamaan siya ng tingin. Ang sakit niya sa ulo.
"I just realized that you had this undying love for seafood. I wish I could be your seafood someday," nakangisi niyang sinabi. Pinaglaruan niya ang kanyang labi.
Uminit ang aking pisngi. Medyo tumingin-tingin pa ako sa mga katabi naming tables, naniniguradong walang ibang nakarinig kay Matteo. Tumingin ako sa kanya pagkatapos.
"Ang dami mong alam." Tumawa ako. I'm completely aware what he's talking about. He practically said that he was hoping that I would love him back someday.
He just flashed me an amused grin. Hindi ko alam kung anong nakakatawa dahil wala namang nakakatawa. I didn't even crack a joke, so there was nothing to laugh about.
"Chill, babe. There's no need to rush. I can wait. I told you that," ani Matteo habang nakataas ang isang kilay. "You looked panicked like you were having a heart attack." Tumawa siya.
"That's not funny," kunot-noo kong sagot. "Hindi na ako natutuwa sa mga trip mo. Baka gutom ka pa, Matteo. Baka bakante pa ang iba mo pang mga bilbil mo kaya nagkakaganyan ka."
"Bilbil?" Matteo seethed, clearly insulted. "Bilbil na pala ang tawag mo sa mga matitigas kong pandesal," aniya habang hinihimas ang kanyang tiyan. "Baka gusto mong tingnan ulit?"
"Matteo," I warned, appalled. Kapag sinaltik talaga ang isang ito ay mapapa-facepalm ka na lang dahil walang pinipiling lugar at oras. Nasa isang restaurant pa naman kami.
"Ipapakita ko na lang sa iba at itatanong sa kanila kung bilbil ba ang tawag dito," balewala niyang sinabi. I saw the challenge in his eyes. Naisipan kong sumakay sa kanya.
"Go ahead." Umirap ako. "I've seen better. Sa totoo lang ay bilbil lang talaga ang iyo kumpara sa mga una kong nakita. Nakatutulo laway iyong totoong abs at V-line," I lied flatly, very lamely, yet Matteo had still bought it.
BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
Художественная прозаLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...
![Decadence [Published]](https://img.wattpad.com/cover/58460757-64-k114935.jpg)