Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 23
"I already programmed my number on your phone." Hinaplos ni Matteo ang aking pisngi. "If anything happens, contact me. I'm your speed dial number one," dagdag niya.
Mukhang hindi ko na talaga siya mapipigilang umalis. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi niyang ayaw niya akong dalhin sa peligro. He was talking in riddles.
Wala man akong lubos na maintindihan, may isang bagay akong nasisiguro. Matteo might be part of some gang, illegal businesses or wanted groups.
Huminga ako nang malalim at tinitigan siya sa mga mata. "Gaano ka katagal? Anong oras ka babalik? Dahil kung matatagalan ka, mas mabuti pang umuwi na ako at magpahinga." Iminuwestra ko ang paligid. "Gusto mo akong iwan sa mga iyan? They all look goons to me." I cringed.
Hell, I won't even dare talk to the waiter. This place was surrounded by unfamiliar men. And Matteo is going to abandon me with them for a while. Is that even a good idea?
"No one will touch you," he growled. "They know it. They saw you enter the whole place with me." Kumuyom ang kanyang panga.
Nagkibit balikat ako at hindi pinansin ang nag-aalab na galit sa mga mata niya. Iiwan iwan mo ako rito tapos magkakaganyan ka? Isa lang ang solusyon.
Huwag mo akong iwan.
"Matatagalan ka ba?" I asked.
"Give me an hour," aniya.
Nalaglag ang aking panga. "Wow," bulalas ko. "Isang oras akong tutunganga rito."
Pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok at bumuga ng hangin. If he doesn't notice it yet, I'm actually stalling. Ayaw ko lang talagang maiwan dito mag-isa.
"I'll come with you and you can drop me off by my pad," I suggested.
"No," walang kakurap-kurap niyang sinabi.
Pumikit ako nang marahan. Nothing will change his mind. Buo na talaga ang desisyon niya.
"Fine," sabi ko.
Nakita kong pumungay ang mga mata niya sa sagot ko.
"Tell me you won't leave first," aniya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Umalis ka na nga. Your time is running. At isa pa, binibigyan mo ako ng ideya." Umirap ako.
Tumango siya at nagdadalawang-isip na bumitaw sa baywang ko.
Tumaas ang aking kilay. "Fifty eight minutes."
His lips twitched up in faint amusement. "Got it, mia bella."
Pinanood ko ang likod niyang papalayo hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Napabuntong-hininga ako at tiningnan ang paligid. Kung hindi ako nagkakamali, ito ay isang casino.
Mayroong naglalaro ng pool, poker at mahjong. Halos lahat ay nakasuot pa ng business suit. Kung sa bagay, you won't be here if you have no gold. Hindi na ako magtataka kung mayroon ding mga pulitikong nandito.
Huminga ako nang malalim at nag-umpisang maglakad-lakad. Kailangan ko ring libangin ang aking sarili. Hindi ko yatang matitiis na tumayo lang sa isang sulok at manood sa katuwaan ng iba sa loob ng isang oras.
"Damn, ace," halakhak ng isang lalaking may malaking pangangatawan.
I think he's a Black American or something. Naroon ang accent ng pagiging banyaga nito.
"Cheater." Hinampas ng taong kaharap niya ang table.
Halos lahat ay napatigil sa ginagawa. Namumula sa galit ang mukha ng isa sa mga kalaban ng Black American.
BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
General FictionLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...