Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 18
"What did you do this time, Waderick?" Anang malamig na boses.
"I did nothing wrong. You know me when it comes to this." Tinig iyon ni Matteo.
"Tsss. I'll go ahead."
Nakarinig ako ng ilang yabag na papalayo at pagkatapos niyon ay ang langitngit ng pagsara ng pinto. Nanlalata akong bumangon habang kinukusot ang aking mata. Pakiramdam ko ay na-drain ang buong energy ko.
I heard a few steps coming closer towards me.
Nag-angat ako ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang masilayan si Matteo. Sa isang iglap lang ay bumalik sa akin ang lahat ng nangyari kanina.
The freaking driver.
And gunshots
Oh, God.
Humakbang pa siya papalapit sa akin. Napaatras ako hanggang sa tumama ang aking likod sa headboard ng kama. Napatigil siya sa paglalakad. Kumunot ang kanyang noo at pinagmasdan akong mabuti. Halos gustuhin ko na lang na bumuka ang lupa at lamunin ako sa sitwasyon ko ngayon.
Did he shoot the driver? But I could clearly remember everything. Wala siyang hawak na baril noon. Pero sino?
The Great.
Shit. Namatay ba iyong driver? What's with the Frances? Are they killers?
Kung saan-saan pa lumipad ang utak ko sa pag-iisip ng mga posibilidad. The Frances. There's something about them that unnerves me. Something is definitely wrong.
During my early years in college, iyong mga panahong isa pa lang na pangarap ang pagiging member ko ng Student Council, one mysterious man walked into my life. Sinabi niyang kaya niyang gawin ang mga gusto kong mangyari. Nang walang kapalit.
And that man was no other than: Gregory the Great.
Ilang beses niyang sinabi sa aking wala siyang pakay, ulterior motive at kung ano pa sa paggawa niya para sa akin ng pabor. Ngunit paulit-ulit ko siyang tinanggihan. Dahil iyon ang sinasabi ng isip at puso ko. Hindi ako naniniwalang libre lang ang isang bagay lalo na ang serbisyo. Alam kong darating ang araw na maniningil siya at ayaw kong sumapit sa kalagayan na kung saan ay magigipit ako.
Tulad ng nangyayari ngayon.
Wala akong ideya kung ano ang dahilan niya upang alukin ako ng tulong noon. Ngunit isang bagay lang ang napagtanto ko. Malaki ang kinalaman noon sa mga kaganapan ngayon.
Hangga't maaari ay iniwasan ko si Gregory o mas kilala bilang The Great sa university kung saan kami nag-aaral. Hindi ko alam kung saan at paano nagsimula ang lahat. I didn't know well about his background or the story behind it—people addressing him that way.
Noong mga panahong iyon, ni isang beses ay wala akong maalalang may tumawag sa kanyang pangalan. Na para bang isang anghel o Diyos lang ang may karapatang bumanggit noon. Sa kabila ng pag-fofocus ko sa pag-aaral ay pinanatili ko ang agwat naming dalawa ni The Great.
Hindi naman na siya lumapit pang muli. I know. Hindi siya iyong mapilit na tao. Isang beses lang siyang nag-alok ng tulong. Pero sa tuwing magkakasalubong kami noon ay ako iyong mangungulit sa pagtatanong sa kanya kung bakit niya ba iyon sinasabi.
He would always give me that passive look on his face. In the end, my questions were never answered.
Pagkatapos ng pagtangging iyon ay wala na akong nabalitaan sa kanya. Subalit hindi roon nagtatapos ang lahat.

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
General FictionLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...