Chapter 62

49K 1.6K 686
                                        

Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 62

“Matteo, sandali—”

Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Sa isang iglap lamang ay nakwelyuhan na ni Matteo ang pinsan kong si Rui. Kumuyom ang panga ng huli at matapos makipagtagisan ng tingin ay marahas niyang hinawi ang braso ni Matteo.

Inayos ni Rui ang nagusot niyang t-shirt. Akmang susugod na naman si Matteo ngunit mabilis ko nang hinuli ang kanyang braso. He turned to me harshly, his eyebrows furrowed.

Matteo looked angry and unforgiving.

Matapang kong sinalubong ang kanyang nag-aalab na mga mata. “Ano? Hindi ka papaawat?” mapanghamon kong tanong. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito gayong alam niyang pinsan ko si Rui.

He had met him long before for fuck’s sake.

Hindi biro ang namumuong tensyon sa aming pagtititigan. Narinig kong tumikhim si Rui dahilan upang mauna akong bumitiw ng tingin at lingunin ang aking pinsan.

Nilagpasan ko si Matteo upang daluhan si Rui. “Pagpasensyahan mo na muna si Matteo.” I heard my boyfriend scoff from behind. “Bangag na naman kasi siya.” I peeked at him under my eyelashes. “Nasaktan ka ba?” I asked, worried.

“Ako nasaktan,” sabat ng gago mula sa likod ko.

Rui ignored my boyfriend and looked down at me expectantly. “I guess cancelled na ang sleepover?” he spoke quietly, his dark brown eyes glowing as they held a flicker of hope.

“Bubulong-bulong ka pa?” asik ni Matteo. “Walang magaganap na sleepover hangga’t kami ng girlfriend ko,” mapanuya ang kanyang tono. “And guess what? Kami hanggang dulo.”

Bumaling ako sa nagpupuyos sa galit na si Matteo. “Isa.”

Nag-iwas ng tingin si Matteo. Kitang-kita ko rin ang pagkadismaya sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung para saan iyon. This man could really get very infuriating sometimes.

Pumihit siya upang talikuran kami. “Magliligpit ako,” malamig niyang sinabi. “I want that boy out of my face.”

Doon na nagpasyang sumagot ang pinsan ko. Ruidan’s eyes were burning with fury, hatred and... envy? “Boy?” he repeated, mocking Matteo’s voice. “Because right now, I’m fully aware that between the two of us, ikaw iyon.”

Matteo took the higher road and disappeared from our sight. Laking pasasalamat ko sa ginawa niyang iyon. Nakahinga ako nang maluwag at muling tumingin kay Rui.

Mapupungay na ang kanyang mga mata. “I’ll go,” marahan niyang sinabi.

Ngumiwi ako. “I didn’t know na nakabalik na siya sa Manila,” I said, trying to explain. “I wouldn’t have invited you over kung alam ko lang na you’d now just have to commute your way back—”

Rui shook his head and cut me off. “It’s not a problem, really.” His knuckles grazed over my cheek. “Will you be able to handle him? He’s that, right? The boyfriend,” matabang niyang sinabi.

Tumango ako. “Yup, he’s my boyfriend. I swear, Rui. Hindi naman siya usually ganyan.” Nagkibit ako ng balikat. “Sinasaltik lang siya siguro ngayon pero kaya ko naman. Matteo wouldn’t hurt me,” kampanta kong utas.

“He better not,” Rui repeated pointedly.

“He knows better.” Tumawa ako. “I trust him.”

Huminga nang malalim si Rui at pinasadahan ng palad ang buhok niya. Tumingala siya at nagsalita nang wala sa sarili. “Wala akong tiwala sa kanya,” he murmured, biting his lower lip. “Pagdating sayo, wala akong tiwala sa iba,” paos niyang sinabi.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon