Nostalgia // Last Hope
I admit. I freaking admit that I am a bad girl. I am mean. And rude. And a rebel and delinquent. But still, my eyes are innocent in to those kinds of things! Heck yeah, I know some things but I haven't seen anything yet, until now.
Nasa posisyon ako na kung saan kukunin ko na sana ang phone na naga-alarm at naga-alarm pa rin hanggang ngayon and on my peripheral vision sa may bandang right side ay isang lalaking nakahubad pero buti na lang before I could see anything else, he already grabbed the closest thing to him which is his bag.
Hindi pa rin ako lumilingon and I closed my eyes and shouted.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"
"OA ka naman, hindi mo naman nakita eh," natatawa pa niyang sabi.
"Please tell me you're already wearing something."
"Nakatapis na ako ng twalya oh-"
"Go get your clothes and wear something!" I don't know how I managed to shout these words eh sobrang kinakabahan na ako.
Pero imbis na sumagot, ay tawa lang ang narinig ko mula sa kanya.
Nakapikit pa rin ako at kumuha ako ng unan at binaon na lang doon ang mukha ko habang narinig ko rin ang pagbukas ng CR.
This is one hella day!
Narinig ko ang pagbukas ulit ng pinto ng CR at mas kinabahan naman ako. Grabe bakit ba ganito? Dapat nga hindi ako takot sa mga lalaking katulad niya dahil nag-aral ako ng self-defense. Tinuruan kaya ako ng isang kabarkada kong nagt-taekwondo.
"Huy, nakabihis na ako. Masuffocate ka pa diyan eh," narinig kong sabi niya.
Inangat ko naman yung mukha ko mula sa unan pero nakapikit pa rin ako. I tried to open one of my eye at nakita ko naman yung mukha niyang naw-weirduhan at nakadamit na nga siya so I opened both of my eyes at inirapan siya.
"Saan ka pala galing?" tanong niya habang pinupunasan niya yung basa niyang buhok gamit ang puting twalya. Nakaupo na siya sa may dulo ng kama.
Lumapit ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin at nag-exhale ako sa mukha niya gamit ang bunganga ko. Bigla naman niyang tinakpan yung ilong niya at napatayo pa siya.
"Grabe yun ah!" at nag-act pa siyang nahihilo-hilo. Tumigil lang siya sa paga-acting kuno, nang may marealize siya at matigilan. "Teka, uminom ka ba?"
"Gusto mo ulit maamoy?" nang-aasar kong sabi.
"So, uminom ka nga? Sinong kasama mong uminom?" tanong niya nanaman. Bakit ba ang weird niya? Bakit magkasalubong kilay niya at nakakunot na yung noo niya?
Napataas na lang ako ng kilay sa mga naging reaksyon niya.
"Si Van?" patanong kong sagot. Bigla naman siyang napatitig sa akin na para bang may nasabi akong mali. Naguguluhan ako sa kanya ah.
"Anak ng tokwa naman. Nagma-marijuana ka ba? Hindi umiinom ng alak ang mga van! Gasolina iniinom nila," sagot niya. Well, that explains a lot. I can't imagine I have to stay with this stupid guy. Damn, he is so stupid. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang siyang shunga or shunga lang siya talaga.
"Gutom ako. Bigyan mo na ako ng pagkain," sinabi ko na lang sa kanya. Nakahiga na ulit ako sa kama pero medyo nakatayo yung upper part ng body ko at nakasandal ako sa may headboard ng kama at nagcross arms ako para matakot siya.
Mukha namang hindi umepekto sa kanya yung mga intimidating gestures ko.
"Hoy! Sabi ko gutom na ako!"
BINABASA MO ANG
A Daze To Nostalgia
JugendliteraturA rebel girl who seeks adventure. A bubbly boy who needs acquaintance. And together, they'll take a daze to nostalgia.