Nostalgia // Captured
Sinunod ko ang sinabi niya. May mga nakasabay pa akong mga babaeng nag-CR. Ako naman ay inayos ang pagkakatirintas sa buhok ko. Nilagay ko rin ang earphones ko at hinintay ang tawag ni Matt sa akin.
Nang tumawag na siya ay agad ko itong sinagot at nilagay sa bulsa ko ang phone ko.
"Anong nangyayari sayo dyan?" Tanong niya. Ramdam ko ang pagpupumilit niyang huwag masyadong maging maingay pero sapat pa rin para marinig ko.
"May mga tao pa dito. Eh dyan?" Tanong ko naman.
"May guard na nakabantay. Tsk."
Bigla naman akong nabahala sa sinabi niya. Paano yun? Paano na yung plano namin? Mas gugustuhin ko namang umuwi na lang para hindi na kami mapahamak.
"Okay ka lang? Gusto mo back out na?" Bulong ko. May pumasok ulit kasi na isa pang babae at nagsuklay sa harap ng salamin.
"Anong back out? Wala yan sa dictionary ko no."
Lumipas ang ilang minuto at kung ano-ano lang ang pinag-usapan namin. Para kaming shunga. Feeling namin ay mga spy kami na nagkalat sa mall.
"Dito sa view ko. May malapit na CCTV. Pero di ako sagap. Malapit sa pintuan. Nakalock siya. Color red yung kandado." Report niya sa akin.
"Kailangan ko pa ba talagang malaman 'yan?" Natatawa kong tanong. "Teka... nagpaalam ka ba kay mommy?"
"Oo, syempre ako pa. Nung sinabi kong kasama mo ako, oo agad sagot niya." Sabi naman niya.
Lumipas pa ang ilang mga minuto. Maga-ala-una na. Wala na ring mga babae sa CR kaya't nireport ko yun kay Matt.
"Magkulong ka sa pinakadulong cubicle tsaka patayin mo na yung ilaw para wala nang pumasok diyan." Utos niya.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. "K-kailangan talagang.. patayin yung ilaw?"
Katahimikan ang narinig ko sa kabilang linya at saka ko narinig ang mahihina niyang tawa. Kung boses lang siguro siya, maiiyak na ako sa gwapo niya.
"Don't worry.. I'll be here. Ipaparinig ko sayo pati paghinga ko para malaman mong hindi ka nag-iisa. Para maramdaman mong hindi kita iiwan." His voice is a little husky. Ramdam ko ang sincerity at pabulong niya pa yung sinabi. That gave me chills and somehow made me fearless.
Napakagat ako sa labi ko. "Okay.." Bulong ko at dahan-dahang pinatay ang ilaw. Kinuha ko naman ang phone ko para ilawan ang daan ko papunta sa pinakadulong cubicle. Umupo ako sa inidoro at pumikit na lang.
At least, I have a reason why it's dark kung nakapakit ako. Pagkadilat ko naman ay madilim pa rin so I'd rather close my eyes.
Narinig ko lang ay ang paghinga niya.
Biglang nag-end yung call. Napakunot ako ng noo at biglang napamulat. Itim. Puro itim lang ang nakikita ko. Hinawakan ko pa ang mata ko at narealize kong nakamulat na nga ako. Pero ganito pa rin.
Sinubukan kong tawagan si Matt pero shit! Wala akong load.
Kinilabutan ako at biglang nag-init ang gilid ng mata ko. Hindi ko na namalayan na napahikbi na ako at may tumutulo na sa pisngi ko. Tinakpan ko ang bibig ko dahil baka may makarinig sa paghikbi ko.
Halos mapatalon naman ako nang biglang magvibrate ang phone ko at agad kong sinagot ang tawag ni Matt.
"Sorry. Nag-end pala yung call. Di ko namalayan. Malapit na ako dun sa-"
BINABASA MO ANG
A Daze To Nostalgia
Dla nastolatkówA rebel girl who seeks adventure. A bubbly boy who needs acquaintance. And together, they'll take a daze to nostalgia.