AN: For this chapter, I dedicate this for my most favourite writer forever and ever!!! Ate Rayneeeee! Wala lang, share ko lang kasi siya talaga nagmotivate sa akin magsulat dito sa wattpad tapos pang 10th chapter na ito kaya ang saya saya! Hahahaha! Ayan, sana magustuhan niyo ang update. :)
**
Nostalgia // River Exploit
"Damn." I cursed. Pumunta ako sa sa ilog na malapit sa bahay namin pagkatapos kong kumain. At dahil hindi na ako nagbihis at nakapajama pa ako at sando, medyo naiinitan ako ng araw. Nangangati na rin ako dahil sa mga talahib. Bakit ba kasi hindi pa pinuputol ang mga ito? Mas matangkad na nga sa akin ang mga ito eh.
Itinabi ko ulit ang mga talahib na nasa harapan ko. Napabuntong hininga na lang ako nang makita kong medyo malayo pa ang Ilog.
Paano ba nakita 'yun ni Matt, taga-dito ba siya at nahanap niya ang isa sa mga paborito kong lugar noong bata pa ako? O talagang lakwatsero lang ang lalaking 'to?
Tiniis ko na lang ang uhaw, init at kati na nararamdaman ko. I sighed in relief nang makarating na ako sa gilid ng Ilog.
Pinalibot ko ang tingin ko sa lugar ngunit wala akong maaninag na tao. Baka wala na siya dito? O baka naman niloloko lang ako ni Jasper? Ugh! Naiisip ko pa lang ang mga 'yun naiinis na ako! Ayaw na ayaw ko pa naman yung nasasayang ang effort ko lalo na kung nahirapan talaga ako which is minsan ko lang ginagawa.
"Matthew!" sumigaw ako sa buong lugar. Narinig ko pa ang pag-echo ng boses ko sa kagubatan sa kabilang dako ng ilog.
Tumahimik ako at pinakinggan kung sasagot ba sa akin si Matt at baka narinig niya ang sigaw ko. Ilang sandali ang lumipas ngunit puro huni lang ng ibon ang narinig ko.
Ugh! Nakakainis!
"MATTHEW!!!! ALAM KONG NANDYAN KA! LUMABAS KA NA!" sigaw ko ulit.
Napasapo na lang ako sa pawis kong noo nang makalipas ang ilang minuto ay wala pa ring sumasagot sa mga sigaw ko. Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa noo ko. Ang init! Shit.
"UGH! NAKAKAINIS! ANG INIT INIT TAPOS NANGANGATI PA AKO DAHIL SA MGA TALAHIB TAPOS MAG-ISA LANG AKONG PUMUNTA DITO TAPOS UHAW NA UHAW NA AKO TAPOS WALA PALA DITO YUNG GUSTO KONG KAUSAPIN! UGH! DAMN! NAKAKAINIS TALAGA!!!!" I shouted all my frustrations on the river.
Napaupo na lang ako sa mga tuyong dahon at damo sa sobrang pagkapagod, pagkauhaw, at inis na nararamdaman ko.
Bwisit talaga.
Ramdam ko ang tibok ng puso ko dahil katatapos ko lang sumigaw at ramdam ko ang init at pawis sa katawan ko.
Hindi ko alam kung bakit ko naalala ang kwento sa aming dalawa ni Jasper ng kalaro namin na sa ilog daw na ito ay may nalunod na babae at nagpapakita ito tuwing gabi sa mga taong pumupunta dito.
Kinabahan ako nang maisip ko 'yun. Hindi naman gabi at tirik na tirik nga ang araw pero so hindi siguro yun mangyayari sa akin ngayon. Pero kahit na, nandito pa rin ako sa lugar na ito.
Mabuti pa siguro umalis na ako.
Tatayo na sana ako para umalis nang makarinig ako ng mga kaluskos sa kabilang dako ng ilog kung saan nandun na ang kagubatan o kahuyan. Bigla naman akong nagtago sa may mga talahib.
Shit. Baka yun yung multo o baka rapist 'yan. Mag-isa pa naman ako ngayon dito. Kayang kaya ko kung tao lang 'yan pero kung multo yan, hihilingin ko na sana ay hindi ko na lang napagpasyahan na pumunta dito.
Nakarinig nanaman ako ng kaluskos at tinatagan ko ang sarili kong tignan kung ano man ang nasa kabilang dako. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko at nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko ang kanyang gulo-gulong buhok, maputi at maamong mukha.

BINABASA MO ANG
A Daze To Nostalgia
Teen FictionA rebel girl who seeks adventure. A bubbly boy who needs acquaintance. And together, they'll take a daze to nostalgia.