Nostalgia // Wake up
Kitang-kita pa rin ang nakakaloko niyang ngiti habang titig na titig sa mga mata ko. It's unfair! I can't even look at his eyes!
Mabilis ko siyang sinuntok-suntok sa dibdib.
"Aw! Aw! Doroteng! Mashaket!" Nakangiti niyang sabi.
Napakunot ako ng noo habang patuloy na sinuntok siya. "Masakit?! Ha?! Fuck you!"
Ganun lang ang ginawa ko sa mga sumunod na minuto hanggang sa napagod na rin ako. Hindi ko nga alam kung nasasaktan pa ba si Matt sa mga suntok ko o hindi na dahil all the time na ginawa ko yun ay nakangiti lang siya na para bang nang-aasar.
Nang tumigil na ako ay matalim ko lang siyang tinignan. Tahimik lang kaming lahat pero silang magbabarkada ay nakangiti.
"Dorothy!"
Napalingon ako sa malambing na boses ni Van. Napahugot ako ng malalim na hininga nang dumating siya. May kakampi rin ako, sa wakas!
"Sweet nung sinabi mo kanina ah!" Pauna niyang sabi nang makalapit na sa kinatatayuan namin.
Unti-unti namang napaigting ang panga ko at tinagilid ko pa ang ulo ko para makita siya sa ibang anggulo.
Tuluyan ko nang narinig ang malakas na hagalpak ni Jasper pati na ang kanyang mga barkada.
Tinignan ko sila at isa-isa silang tumigil sa pagtawa nang makita nila akong matalim na nakatingin sa kanila. SI Jasper lang ang patuloy na tumawa at si Matt na nakangiti lang sa akin.
Nang ilang minuto ay hindi pa rin sila tumigil sa pang-aasar sa akin, I decided to walk out.
"Ayan tayo eh! Basta Dorothy, magw-walk out!" Narinig kong sigaw ni Jasper.
Mas binilisan ko ang paglakad ko pero halos lumabas na lahat ng intestines ko nang makita kong humarang si Matt sa harapan ko. Nakangiti pa rin siya and his dimples are still showing. Damn it!
Napasinghap ako para pigilan ang nararamdaman. Nararamdaman kong sobrang init na ng magkabila kong pisngi.
I crossed my arms nang hindi siya umalis sa harapan ko.
"Pwede ba? Kung ayaw mong umalis, magpaalis ka!" I rolled my eyes to add more effect. Hindi ko alam kung nagmumukha pa ba akong masungit sa ginagawa ko dahil sa totoo lang, kanina pa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Napaiwas ako ng tingin nang kinagat niya ang ibabang labi. Mas lalong uminit ang pisngi ko.
"Bakit ka pumunta dito?" Tanong niya.
"Gusto ko."
"Bakit nga?"
Napatingin ako sa kanya nang may halong iritasyon. Hindi niya pa rin ba maramdaman?!
"Malamang! Para makita't makausap ka! Ano sa tingin mo? Trip ko lang magpasagasa sa tren, ha?!"
Nakita ko naman ang pagbabago nang ekspresyon ng mukha niya. Nalukot ang mukha niya at kung kanina ay nang-aasar at nakangiti, ang nakikita ko na lang ngayon ay kaba, lungkot at takot.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang sinara ang distansya naming dalawa at naramdaman ko na lang na nakabaon na ang mukha ko sa dibdib niya. His hands are tightly closing me. We're... hugging. He's hugging me.
"You scared the hell out of me." Bulong niya. Hindi ako nagsalita at pinakinggan lang ang kung anong sasabihin niya. Matagal na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago siya muling nagsalita. "Doroteng, alam ko namang gwapo ako at nakaka-attract ng atensyon. Pero huwag kang masyadong ma-attract sa akin na hindi mo na napansin yung tren kanina."
BINABASA MO ANG
A Daze To Nostalgia
Teen FictionA rebel girl who seeks adventure. A bubbly boy who needs acquaintance. And together, they'll take a daze to nostalgia.