Nostalgia 32

35 2 0
                                    

Nostalgia // Rain


Nakatuon ang buong atensyon ko kay Matt habang pababa sila sa stage at papalapit na sila ngayon sa akin. Napalunok ako ng nasa harap ko na siya at napangiti.

"Ayos ba?" Tanong niya sa akin.

Tumango naman ako sa kanya. "Pwede na... kahit papano."

"First blood!" Sigaw ni Carl.

"At least pwede na." Binehlatan naman ni Matt si Carl.

"Pwede ka nang umuwi." Dagdag ko naman.

"Double kill!" Sigaw nanaman ni Carl. Nasapak naman ni Matt si Carl dahil sa pang-aasar nito.

Lumapit sa akin si Matt. Magtatanong pa sana siya nang nagulat na lang kami at dumaan sa pagitan namin si Ivan at huminto pa siya para harapin ako.

"Now, lend your ears to Galaxias, Doeey." Seryoso niyang sabi. "And don't ever run again."

Napatingin naman ako sa stage at nakita ko na doon sila Logan at Nick. Umakyat na rin si Ivan kaya't napatingin ulit ang mga tao sa stage.

"Go Galaxias!" May narinig pa akong sumigaw.

Napangiti naman si Ivan nang marinig rin yun. Talagang nakikilala na talaga sila at sumisikat na rin.

"Good evening to everyone. So, today is the birthday of a special... friend to me." Panimula ni Ivan.

"Special child ka ba?" Tanong ni Matt sa akin na nakatayo sa tabi ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Dooey.." Napatingin muli ako sa stage dahil tinawag ni Ivan ang pangalan ko. "I'll sing the same song. But please don't run again. Happy Birthday." Nagbigay rin siya ng tipid na ngiti bago ko narinig muli ang pagstrum ni Nick.



"Bucket full of tears

Baby know I'm here, I'm here waiting"



Natapos ang kanta nila at napangiti na lang ako nang marami ang humiyaw at nagcheer sa kanila. Pagkababa ni Ivan ay marami pang nagpapicture sa kanya pati na rin kila Nick at Logan. I suddenly wonder where the heck is Rj na isa pa nilang kabanda? Ni hindi nasabi sa akin ni Ivan ang tungkol sa kanya.

Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si Matt na nakanguso at mahinang bumubulong.

"Edi siya na magaling kumanta."

Hindi ko mapigilang ngumiti. Nagiging cute na siya sa paningin ko. Nakakainis.

Pagkatapos ng kanilang performance ay maraming napapalakpak. Lumapit na si Ivan sa table namin kaya naman napabalik na rin Matt sa upuan niya dati.

"Ayos ang mga performance niyo ah." Sabi ni daddy.

Nagkwentuhan pa kami at nagpapicture pa sila sa mga paintings ko na nakasabit na bago nag-aya nang umuwi si mommy. Sinabi ko naman sa kanila na magba-bar pa kami. Hindi sana nila ako papayagan ngunit tinulungan ako ni Aly sa pagkukumbinsi at pinaalala ko ring twenty na ako kaya naman napilitan silang payagan ako.

Akala ko ay tahimik na kaming makakapunta sa Valkyrie bar nang makaalis na sila mommy at daddy pero hindi pala.

"Doroteng.."

"Dooey.."

Sabay na tawag nila Matt at Ivan sa akin. Napalingon ako sa kanila at nakita kong parehas na nakaparada pa ang motor ni Ivan at kotse ni Matt.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon