Nostalgia // Last Night
Sinilip ko siya nang sigurado na akong kalmado na ako. Kanina pagkalabas ko ay nagtext siya sa akin. Nakita niya kanina na kinuha ko ang phone ko kaya ayun.
Matt
Saan ka pupunta? Bawal kang lumabas. Baka magalit ka nanaman pag susundan kita eh.
To: Matt
Dito lang sa labas. Tatawagan ko lang kaibigan ko. Tss. MATULOG KA NA!
Matt
Okay :) Pasok ka na lang kapag tapos ka na :)
To: Matt
Sweetdreams. Sana mabangungot ka.
Matt
Oo. Kasi mapapanaginipan siguro kita. :)
Hindi ko alam kung saan siya nagreact sa sinabi ko. Kung sweetdreams kasi mapapanaginipan niya ako o mababangungot siya kasi mapapanaginipan niya ako. Ugh! He's so frustrating!
Gumawa naman ako ng conference call sa aming tatlo ni Tarah at Aly. Dalawang rings pa lang ay sumagot na si Tarah.
"Oh?"
Hindi ako nagsalita dahil ayaw kong ulitin ang pagb-burst out ko. Kaya kailangan, kung magb-burst out man ako ay sabay na silang dalawa na makikinig.
"Hey hey hey!" Maarteng bati naman ni Aly.
"What happened last night?" Binigyan ko ng diin ang bawat salita. Bumaba muna ako sa may sala namin dahil alam kong sisigaw ako. I don't want Matt to wake up just because of that.
Narinig ko ang pag tahimik nilang dalawa.
"We.. uh.. went to the Valkyrie bar last night! C-can't you remember?" Aly decided to speak up since alam naming tatlo na hinding-hindi maaasahan si Tarah sa pagsagot. Alam ko rin na si Aly lang ang magsasalita dito but at least I want Tarah to hear everything because she's also involved.
"Oo, nalasing ako kagabi pero hindi ako nagka-amnesia. Huwag niyo akong gawing tanga! You know what I mean! What literally happened last night?!" Hindi na ako nakapagpigil at sinigawan ko na sila. I'm not even satisfied! I want to scream at their faces not on this fucking little screen.
Nakarinig naman ako ng maliliit na tawa. Now, I'm not sure if who's laughing.
"Sinong tumatawa sa inyong dalawa?" Seryoso kong tanong. I'm fucking pissed!
Narinig ko ang pagtikhim ni Aly. "Tarah?"
Sa ngayon ay nakarinig na ako ng paghalakhak. Mas lalo naman akong naweirduhan sa mga pangyayari.
"Aly, can you at least support me? I know you want to laugh too." Halos hingal pa niyang sinabi dahil sa pagtawa.
Hanggang sa narinig ko na silang nagduduet sa pagtawa. Dafak?
"Guys?! You're making me confused! Ano ba?! May ginawa ba akong kagagahan kagabi?! Bakit nandito si-" Natigilan ako at bumulong na lang. "Si Matthew?"
Mga ilang minuto rin akong nakinig sa magandang combination ng tawa nila. Aly's laugh is a soprano, Tarah's alto. Great. Habang sila ay enjoy na enjoy, ako naman ay halos mabaliw sa kakaisip.
BINABASA MO ANG
A Daze To Nostalgia
Teen FictionA rebel girl who seeks adventure. A bubbly boy who needs acquaintance. And together, they'll take a daze to nostalgia.