Nostalgia // Hatred
"Ma'am, tapos na po." The girl who dyed my hair said. Kakatapos lang nilang i-blowdry ang buhok ko pagkatapos nilang gupitin at i-dye kanina. Napatingin muli ako sa salamin na kaharap ko.
Napangisi na lang ako nang makitang bumagay ang red hair sa aking mukha dahil na rin sa pagkaputi ko at sa medyo may pagkasingkit na mata ko. Now, I look ten times more Dorothy-like.
Napatayo na ako at nagbayad sa counter. The lady in the counter also complimented me.
"Ma'am, bagay po ang red hair sa inyo. Mas lalo po kayong gumanda." She said. Napilitan lang akong ngumiti sa sinabi niya. I don't really like answering them dahil wala pa rin ako sa mood but I feel better because of my hair.
Halos umabot na apat na oras rin ako sa salon na iyon kaya umuwi na ako kaagad. Buti na lang at wala pa doon si mommy sa bahay pagkauwi ko kaya't nagkulong muna ako sa kwarto ko. And because I missed painting, I just painted for hours. Ilang linggo na akong hindi nakakapagpaint dahil na rin sa pagpupunta sa ibang lugar.
Tinawag na lang ako ni mommy nang kakain na. Pumunta ako sa dining area habang pinupunasan ang pintura na nasa kamay ko. Halos lumuwa naman ang mga mata nila habang nakatingin sa buhok ko ngayon na nakabun.
"D-Dorothy?! D-did you dyed y-your hair?!" Nauutal na sigaw ni mommy. Napatingin rin tuloy sa akin si daddy.
"No mom. Pumunta akong salon kanina, sila ang nagdye at-"
"Bakit mo pinakulayan ang buhok mo?! Hindi ba 'yan bawal sa university mo?! At baka-"
"Mom, hindi ako nursing student. Sa totoo nga lang, dahil related sa art ang course ko nagtataka ako kung bakit kanina lang ako nagpadye ng hair."
"P-pero.."
Marami pang sinabi si mommy but I handled it smoothly. Daddy complimented me with my hair so I think nakadagdag points yun kay mommy para manahimik na lang.
Even in school at Lunes na Lunes pa naman ay walang inatupag ang mga blockmates o kaibigan ko kung hindi ang buhok ko.
"Damn Dorothy, this color really suits on you!" Sabi ni Aly sa akin at hinahawakan ang buhok ko habang ako naman ay kumakain sa tabi niya. The usual, nandito ulit kami sa cafeteria at kumakain. Nakalahati na ang araw at pare-parehas na kumento pa rin ang naririnig ko.
"Why did you dyed your hair?" Naninigkit ang mga mata ni Tarah sa tapat ko habang tinitignan ako. Para bang inoobserbahan niya ang bawat galaw ko at tumatagos pa ito hanggang sa kaluluwa ko.
"Does it matter?" Natatawa kong sabi.
"Of course, it matters!" Sabi naman ni Aly habang hawak pa rin ang buhok ko. Inalis ko na ang kamay niya dahil sa pagkairita. Natawa lang naman siya at nagpatuloy sa pagkain.
"Nawala ka na lang bigla nung Friday night tapos weekends pa then pagkakita namin sa'yo, red-haired girl ka na?" Kalmadong sabi ni Tarah. Napalunok naman ako nang ma-bring out nila ang nangyari nung Friday.
"Oo nga. Bakit bigla ka na lang nawala nung Friday? Sabi mo magc-CR ka lang. Sinundan kaya kita sa CR tapos hindi naman kita nakita doon? Ivan nearly killed me when I went back in the counter without you." Napatingin na rin si Aly sa akin.
"Where were you?" Tanong muli ni Tarah. Damn! I don't like being in the hot-seat! Paano ba ako makakatakas sa sitwasyong ito? "Umuwi na ako sa bahay nun kasi si mommy-"

BINABASA MO ANG
A Daze To Nostalgia
Novela JuvenilA rebel girl who seeks adventure. A bubbly boy who needs acquaintance. And together, they'll take a daze to nostalgia.