Nostalgia // Red
My mom isn't really that happy when Matt sent me home. Sabi niya sa akin ay masyado raw kaming natagalan. Well, I can't blame her. Buti nga ay ganun lang ang naging reaksyon niya. I was expecting something... more. I was actually expecting her in beastmode.
Kahit tulog ako sa buong byahe ay masarap pa rin ang naging tulog ko noong gabing iyon. Nagising na lang ako nang may plano na agad ako sa aking isip. I know what I'm going to do today.
Linggo ng umaga at kinuha ko kaagad ang phone ko para makapagtext.
To: Jasper
Where are you?
Hindi siya nakasagot kaagad. Siguro ay tulog pa so I had my breakfast. Mga 12 pm na siya nagreply.
Jasper
Condo lang. Baket?
To: Jasper
Can I go there?
Jasper
Sige lang.
Kaya nagprepare ako at nagpaalam kay mommy na pupuntahan lang si Jasper sa kanyang condo. Pumayag naman siya at bibisitahin niya rin daw si daddy sa office nila. Baka kasi nalunod na 'yun kakatrabaho.
Nagtaxi ako papuntang condo ni Jasper. If only my parents can give me a car for a present on my birthday then that'll be so nice. HIndi ko alam kung bakit nang nasa elevator ako ay kinakabahan ako. Para bang may mangyayaring hindi ko inaasahan.
Kumatok na ako sa pintuan ng condo ni Jasper at naghintay. Nagulat ako nang makita kung sino ang nag-open nito. Bumungad sa akin ang abs ni Matt at ang ngisi niyang lumalabas ang dimple.
I was about to scream nang agad nang naunahan ng kanyang kamay ang bibig ko. Great! This is now the third time!
"Sisigaw nanaman, kulang sa pansin?" Natatawa niyang sabi.
Buong lakas kong hinawi ang kamay niya at hinabol ang aking hininga.
"Where the hell is my cousin?!" Tanong ko. Hindi pa ako makatingin sa kanya ng diretso dahil sa hitsura niya ngayon. Oh my gahd, somebody help me.
"Naliligo saglit." Sabi niya. HIndi ko maiwasan mag-isip ng mga bagay-bagay. Jasper is taking a shower and Matt is topless. Is there a hidden affair between the two of them? Y-yaoi? Pinilig ko ang ulo ko sa mga naiisip ko.
Pumasok na ako at umupo sa sofa na nasa sala. Diretso ang tingin ko sa harap ko at hindi lumilingon kahit saan.
"Huy, may stiff neck ka ba?" Mas naghurumentado ang dibdib ko nang maramdaman ko siyang tumabi sa akin sa sofa. Is he that insensitive?!
"Wala." Mabilis kong sagot at hindi pa rin lumilingon.
"Why are you so stiff, then?" Tanong nanaman niya. Ramdam ko ang tingin niya sa akin sa gilid ng mga mata ko. And what would I do to hear his sexy english accent all the whole damn time?
Halos makahinga ako ng maluwag nang makita kong lumabas si Jasper sa isang pintuan ng nakabihis na ngunit basa pa ang buhok. Halos lumuhod na ako sa harapan niya para makapagpasalamat.
Napatayo kaagad ako nang makita siya.
"Thank God!" Nasabi ko pa ang mga salitang dapat ay nasa isip ko lang.
BINABASA MO ANG
A Daze To Nostalgia
Novela JuvenilA rebel girl who seeks adventure. A bubbly boy who needs acquaintance. And together, they'll take a daze to nostalgia.