Nostalgia 8

89 5 2
                                    


Nostalgia 8

I only care about myself. Kung naging kaibigan mo ako, tsaka lang ako magc-care sayo, minsan nga kila Aly at Tarah, himala na kung mage-effort ako para sa kanila. So I don't get myself why I'm writing this to him. Why I will left this to him.

Binasa ko ito sa huling pagkakataon.

Matyong,

You've been a great uto-utong acquaintance. Thank you for not raping me the first night just because we were in the same room. Thank you for supporting my needs. And thank you for being a friend.

PS. Also, thank you for the foods last night. Kaw na bahala dyan.

Doroteng

Napangiti na lang ako sa sulat ko. So far, this is the most sincere letter that I wrote para sa mga kaibigan ko. Napatingin rin ako sa tambak tambak na plato, plastic at mga bags ng chips na in-order ko last night bago ako matulog. Sabi ko sa naghatid lahat ng pagkain, i-charge na lang kay Mr. Matthew Collins. Napaka-uto-uto talaga ng mga tao ngayon.

It's only 6 o'clock in the morning at nasa lobby na sila Aly and Tarah para sunduin ako. I grabbed the phone that Aly let me borrow from my pocket and took a picture of this hotel room.

Hotel 626. You will not be forgotten by Dorothy Faith.

Hinila ko na ang mga bagahe at maleta ko. Napatakip pa ako sa bibig ko nang bumangga ito sa pintuan.

I shouldn't be doing such noise dahil baka magising si Matt.

I can't let him be awake kapag aalis na ako. Mahihirapan lang ako...

..baka singilin niya ako doon sa dami ng pagkain na in-order ko kagabi. Kaya naman nakahinga ako ng maluwag nang makarating ako sa lobby at ngayon ay nakaupo na sa eroplano.

So far so good.

This has been such a great journey at marami akong naging kaibigan ngayon.

At dahil sa sobrang antok ko, hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako. Nagising na lang ako nang hinihingal. Aly asked me what happened.. I told her I just had a nightmare. Tumango lang naman siya. Nagtaka naman ako kung bakit sa pangalawang pagkakataon, nakita ko nanaman sila. Napanaginipan ko nanaman sila. Ang mga taong nakaputi. Ang mama ko pati na rin ang papa ko. At para lang akong nasa iisang kwarto. Hay nako! Ewan. Ang liit-liit na bagay, masyadong bini-big deal.

Hindi na ako nakatulog pa nang magising ako. mabuti naman at malapit na rin kami sa Manila 'nun. So bandang mga 2 pm ay nakaboard na kami.

Habang nasa airport ay nakita ko kung saan kami unang nagkita. Naalala ko kung paano kami unang nag-usap. Ewan ko ba, wala naman na rin akong pake. Sigurado, makakalimutan rin ako ng taong 'yun at kakalimutan ko rin naman siya.

Ganun naman ang mga nangyari sa mga taong nakakasalamuha ko habang palipat-lipat ako ng lugar sa bansang ito.

At sa airport na ito, nanlumo ako nang maalala ko kung paano ako nanakawan. Sayang yung iPhone ko at yung pera kong ang dami dami. Sana naman masaya yung nagnakaw. Leche. Nakakabwisit.

Hindi pa ako nakakarecover sa pagr-reminsce ko sa mga nangyaring nakawan, bagong stress nanaman ang sumalubong sa akin.

Alam niyo yung feeling na kakatapak mo pa lang sa bahay tapos puro sigaw at sermon na agad ang maririnig mo? Aghhhh I fucking hate it when this moment arrives.

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?! Ha?! Diba sinabi ko naman sa'yo diba? Sinabi ko naman na hindi ka pwedeng umalis! Porket may pera ka aalis ka na, ha? Akala mo kaya mo na ang sarili mo?! Aalis ka na lang kung kailan mo gusto ha?! Gusto mo bang i-ground nanaman kita?!" dada lang ng dada si mommy. Hindi ba niya inisip na immuned na ako sa ganyan kaya naman natutunan ko na ang art of dedma. Yung papasok sa isang tainga, lalabas sa isa.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon