Nostalgia // Roadtrip
Sa tanang buhay ko, hindi ko alam kung maniniwala ba talaga ako sa destiny o hindi. Hindi ko rin alam kung kailangan ko na bang maniwala ngayon dahil sa nangyayari ngayon.
"Oh my god Dorothy! I can't believe we actually found you!", isang matinis na boses ang nanggaling kay Alyson. The rich spoiled bitch.
Mahigit isang linggo ko rin silang hindi nakita at akalain mo nga naman iyon na magkikita pala kami dito sa islang ito. Pinagmasdan ko siya at natawa na lang ako, bakit nga ba siya magbabago sa loob ng isang linggo? Nakasando lang siya na puti na may spaghetti straps at nakashorts na maikli. Sobrang ikli. Kilala ko na 'yan. At sa tingin ko, isa nanaman sa biktima niya ang isang kasama nilang lalaki ngayon.
"I mean, really, we're so sorry that we left you back there. Pero kasi, you know, like you're so tagal kaya. And the flight is so early kaya baka malate na kami." She said.
Tahimik lang naman si Tarah habang nakatingin sa labas...mukhang may problema yata. Makausap nga mamaya.
"By the way, who's this guy?" Napatingin naman ulit ako kay Aly na nakalipbite pa at hindi ko alam kung bakit ako nailang na nainis sa tingin niya kay...teka, ano na nga ba ulit pangalan nitong lalaking 'to?
Ngumiti naman yung katabi kong lalaki na para bang mawawala na ang mga mata niya. So masaya siya ganun?
"Matthew Collins." At talaga namang nakipagshake hands pa na hindi naman tinanggihan ni Aly. So close na sila agad? Agad-agad?
I mean, let's be real here. Kakameet pa lang nila, at posibleng nagp-plastikan lang silang dalawa. Okay?
Napatingin naman ako sa mga kamay nilang humigit tatlong segundo nang magkahawak. Napangiti na lang ako nang tumikhim ang isang kasama nilang lalaki. Inakbayan niya rin si Aly at nakipagkilala rin sa amin at nakipagshake hands rin. Gino pala pangalan niya. Nakita ko naman ang pagroll ng eyes ni Aly. Sabi ko na nga ba eh. Kailan ba magse-seryoso ang babaeng 'to?
Akala ko magiging akward ang usapan sa amin pero akalain mo nga ba yun na si Matthew at Gino pa pala ang mag-uusap ng sobra. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari o talagang friendly lang talaga 'tong si Matt. Nagulat na lang kami nang magsalita si Tarah.
"Dorothy, sinadya ka talaga naming hanapin.." she said. She seems so serious. What's going on?
Napatingin naman ako kay Aly na kanina ay nakangiti pa ngunit ngayon ay nawala na ang ngiti sa labi niya at umiwas pa ng tingin sa akin.
"Hindi ka na sana namin hahanapin pa at im-meet ka na lang sana namin kapag umuwi kami ng Maynila. But Tita warned us that she's going to tell our troubles to our parents if we didn't go back without you in 3 days."
Tita? Are they referring to my mom? B-but how?
"Your cousin Jasper told everything about her."
Hindi ko alam kung bakit tumikhim naman si Matt at umayos rin ng pagkakaupo pero hindi ko na lang siya pinansin.
"Come back with us sa makalawa."
***
"Ikaw ah, bakit ka pa nag-stay dito, ha? Mamimiss mo ako no?" nakatingin siya sa akin at nakakaloko nanaman ang ngiti niya. Nakaupo siya sa may sofa habang ako naman ay nasa kama at tumitingin ng pictures. Binigay muna kasi sa akin ni Aly ang isang phone niya para may pangcontact siya sa akin.
"Asa ka pa." I said. Bigla namang tumunog ang phone at nakita kong nagtext si Aly.
From: Alysson Flores
BINABASA MO ANG
A Daze To Nostalgia
Roman pour AdolescentsA rebel girl who seeks adventure. A bubbly boy who needs acquaintance. And together, they'll take a daze to nostalgia.