Nostalgia 26

30 3 0
                                    

Nostalgia // In Love


Saturday Morning. Hindi ako nag-alarm at medyo napuyat rin ako kagabi pero hindi ko alam kung bakit ako nagising ng seven ng umaga. Just when I checked the time, I received a message from the very unexpected person who'll text me.


Matt

Good morning Doroteng! Sana hindi ka na galit ngayon :< May gusto sana ako sayong ipakita. Kung pwede ka mamaya, meet me sa Starbucks sa BGC at 4 pm. See you! ;)


Pagkatapos kong mabasa ang text, hindi ko alam kung bakit ako napangiti na kinabahan na ano. I suddenly want to cancel all my plans today and be with him later.

But then again, napawi ang ngiti ko. Hindi ko pa rin napapakinggan ang side niya. Ang reasons niya kung meron man. Kung meron ba siyang sapat na dahilan kung bakit niya nagawa yun three weeks ago.

Hindi naman pupwedeng papatawarin ko na siya kaagad di'ba?

Tumayo na ako sa kama at tinignan ang painting ko kagabi. It turned out really well.

Kumain ako ng breakfast na mag-isa. Hindi ko alam kung saan nagpunta sila mommy at daddy nang sobrang aga. Maybe for business or sa hospital? Well, I don't care. Ganun naman lagi eh.

Nagpaint na lang ulit ako buong umaga habang nakikinig ng rock music. That's what I am doing when I want to relax myself or think about some things.

I painted a topview of an ocean. May rocks sa baba nito na parang tinitignan mo magmula sa taas at may mga malalakas rin na alon doon. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang view na ito but I enjoyed painting it anyway.

Natapos ko ito after two hours dahil na rin sa pagt-tweak ng ibang colors. At doon ko rin napag-isipan ang gagawin ko ngayong araw na ito. Kinuha ko ang phone ko at nagtext.


To: Ivan

Wag mo na akong sunduin. Text me the details at ako na lang pupunta sa venue.


Napag-isipan kong puntahan na lang si Matt. Maybe he'll explain his side. Siguro ay meron nga talaga siyang magandang rason kung bakit niya yun nagawa.


Ivan

Bakit? May pupuntahan ka pa ba?


To: Ivan

Yup. Pero pupunta rin ako sa gig niyo. Pramis!


Ilang texts at tanong pa ang natanggap ko kay Ivan at nagvolunteer pa siyang samahan ako kung saan man ako pumunta. 5 pm pa naman ang gig nila kaya hindi ako pumayag. Mamaya ay ma-late pa siya dahil mag-aayos pa sila ng gamit, aayusan pa siya at mga kabanda niya at dahil na nga rin sumisikat na sila ay baka may magpapicture pa sa kanila.

I don't really know why but I have a feeling that this gig is really important to him. Ilang beses niya akong inimbitahan dito at pati sila Nick at Logan ay iniimbitahan rin ako. Parang masyadong big event ang gig nila na ito. Siguro ay dahil may mga bigating tao ang dadalo at baka may makadiscover na rin sa kanilang mga managers.

Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay ang tamang pagmamanage sa oras ko. Isang oras lang ako sa sinasabi ni Matt at dideretso na ako sa venue kila Ivan. Medyo hassle pa dahil medyo malayo ang BGC sa venue ng gig nila Ivan.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon