Nostalgia // Phonecall
Pigil ang hininga ko nang marinig ang boses ng pinsan kong 'yun.
Sabay kaming napalingon ni Matt at nanlumo na lang ako nang makita ko nga sina Jasper kasama na rin ang iba pa niyang mga kaibigan. . .ang iba pa nilang kaibigan.
"Hi!"
Kinalas ko naman ang magkahawak naming kamay. Shit. Inuna pa talagang mag-hi nitong si Matt bago niya pansinin ang mga kamay namin. Bakit ba kami magkahawak kamay pa rin? Ibig sabihin kanina pa kami ganun na lumilibot sa peryahan? What the hell?
"U-u-uhm..a-ang t-tagal niyo! Sabi niyo m-malapit na kayo pero ang tagal niyo!" I hissed. Shit. Shit. Why am I stuttering? It's not like I'm guilty or something!
Nakita ko naman ang ibang kaibigan nila na si Neil, Kasper, Carl at Joshua na tumatawa habang tinitignan kami.
"Anong pinagtatawanan niyo, ha?!" Sabay suntok sa mga braso nila. They're making fun of me! And that should be my role! Ako dapat nangt-trip ng mga tao eh.
"Chill dude!" sabi naman ni Kasper at nakaiwas pa siya sa sipa ko. Damn it!
"Oh ano? Kumusta ang date niyong dalawa?" mapang-asar nanaman ang tono ni Jasper. Ugh! I want to kill him!
"Date?! What the fuck?! We were not having a date-"
"Oh talaga? Grabe, naniniwala ako couz-"
"Hindi nga kami nagd-date! Ano ba! Matt, kausapin mo nga sila!"
Parang nagsusumbong na bata na ang naging tono ko. I sound so desperate!
Nilingon ko naman si Matt na nasa gilid ko lang at kanina pa nananahimik at nakita ko lang siyang inosenteng nakatingin sa akin na para bang walang nangyayari.
"Huh?" Parang tuta pa yung mga mata niya ngayon. Wtf.
Ughhhhh! Why are people so stupid?!
"Ewan ko sa inyo!" Magwo-walk out na sana ako pero nahigit naman ako ni Jasper sa braso ko.
"Easy! Joke lang! Sige na, kunwari hindi talaga kayo nagdate. Kunwari hindi ko kayo nakitang magkaholding hands, ganun. Kunwari na lang lahat, ha? Kunwari na lang rin na naiinis ka pero kinikilig ka pala." bulong naman niya sa akin.
"UGH!" Kumawala na talaga ako sa kanya at naglakad palayo sa grupo nila.
Bakit nga ba ako na-stuck sa kanila?! Not that I hate boys, eh one of the boys nga ako at minsan mas siga pa ako sa mga kaibigan kong lalaki but..but. Si Jasper kasi eh! And include Matt pa! They're seriously getting into my nerves!
Lakad na lang ako ng lakad at hindi ko namalayan na nakalabas na ako ng peryahan. Naglibot-libot na lang ako sa may plaza at tuwang-tuwa naman ako nang makita ang mga paintings na nasa wall. Buti pa ang bayan na'to, pinapahintulutan ang mga amateur painters na magpaint sa mga ganitong walls.
Naupo naman ako sa may upuan sa plaza habang tinitignan ang mga paintings na malapit dito. Somehow, napakaproductive at saya ng mga nangyayari sa akin these past few days. Kahapon nasa ilog kami, kanina nasa putikan. And all these happiness is because of Matt. Pero naiinis naman ako sa kanya ngayon!
Bakit ba parang ang inosente niya lang kanina at ang tahimik habang inaasar kami ni Jasper samantalang ako naman ay malapit ng pumutok ang ulo! Naalala ko nanaman yung inosente niyang mukha! Talagang nagpapacute siya kasi ang daming tao dun sa peryahan kanina! Sure akong nagpapacute siya at kaya hindi niya ako tinulungan kay Jasper dahil ayaw niyang mapahiya sa mga tao. Dahil kapag once na tinulungan niya ako, maaaaring maturn-off sa kanya ang mga tao. Halatang. . . nagpapacute siya. Cute siya.

BINABASA MO ANG
A Daze To Nostalgia
Fiksi RemajaA rebel girl who seeks adventure. A bubbly boy who needs acquaintance. And together, they'll take a daze to nostalgia.