Nostalgia 35

31 2 0
                                    

Nostalgia // Arcade


Tick, tock.

Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko ng chineck ang orasan. Kanina ay 4:48. Ngayon 4:51. Ugh. Bakit ba ang tagal?

Tamad na napatingin ako sa professor namin na nagdidiscuss. Nabuhayan na lang ako ng loob nang magring na ang bell.

Last class of the day indeed.

Mabilis kong hinugot sa bulsa ko ang phone at hindi nga ako nagkamali na may text na doon si Matt.



Matt

Wer na u? Hir na me jaja




To: Matt

Papunta na akong parking lot. :)




Halos takbuhin ko na ang distansya sa room na pinanggalingan ko hanggang sa parking lot ng school.

Mabilis ko namang nakita ang kotse ni Matt. Nakaclose ang windows at kinatok ko yun. Narinig ko ang pag-unlock kaya't agad na akong pumasok sa front seat.

Nagulat na lang ako nang maabutan kong nagbibihis pa si Matt. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Hindi man lang muna niya tinapos ang pagbibihis bago in-unlock ang kotse. Damn!

"Doroteng, gutom ka ba?" Tanong niya.

Unti-unti ko siyang sinilip at maayos na siyang nakabihis ng isang black na t-shirt.

"Kung ililibre mo ako, oo. Kung hindi, kunwari hindi na lang ako gutom."

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Napapikit ako ng mariin. Ang gwapo talaga.

"Sige na nga, gutom ka na." Narinig kong sabi niya at ang pag-start ng makina ng kotse.

The ride was not awkward. Nagkwento lang si Matt tungkol sa kanyang araw. Nakinig lang ako sa kanya at minsan ay nagkukumento.

Huminto ang sasakyan niya sa isang convenient store. Siya na ang inutusan kong pumili ng pagkain para sa akin dahil balak ko ring magbihis sa sasakyan niya. Medyo pawis kasi ang suot ko ngayon.

"Okay, don't forget to lock the car." Bilin niya bago umalis.

Nagpalit ako ng damit. Now, I'm wearing a black tank top shirt again. Hindi ko 'to sinadya. Ni hindi ko nga alam na black rin isusuot niya eh. Napangisi na lang ako sa naisip. I already know black is our favourite color.

Nagkaroon pa ako ng oras para makapag-ayos dahil medyo natagalan si Matt. Nang dumating na siya ay inabot niya sa akin ang mga pagkain.

"Chuckie!" Hindi ko napigilan ang pagngiti ko. Favourite ko 'to eh. Namiss ko 'tong inumin.

"Nasabi ni Jasper na mahilig ka dyan eh, tsaka nakita ko rin na iniinom mo dati 'yan sa airport." Nakangisi niya ring sabi.

Napakunot ako ng noo. "So nakita mo na ako nung mga panahong yun?"

"Oo naman. Naka-spy mode lang ako nun."

Napailing na lang ako at kinain ang burger at chuckie na binigay niya. Hindi pa ako nakuntento at kinain na rin ang chips na binili niya.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon