Nostalgia 25

42 2 0
                                    

Nostalgia // Miss Him


Hindi ako nakausap ng maayos ni Ivan kaya't hinatid na lang niya ako sa bahay namin. Wala rin akong naging ganang kumain dahil sa nalaman ko at pati na rin sa pagsuway pa rin sa akin ni mommy sa buhok ko.

"Carla, stop ruining this dinner. Can't you see our daughter's tired?"

Napangiti na lang ako sa sinabi ni daddy. At least, he understands what I feel. Buti na lang at nasabi niya rin yun dahil hindi na rin nagsalita si mommy against my hair. Now, my hair and myself can rest in peace.

Nakapagpaint ako ng wala sa oras dahil sa panlilibre sa akin ni Ivan ng materials at sa panibagong frustrations naman na dala ni Matt.

I finished painting after an hour. Tinitigan ko ito at napangisi na lang ako sa sarili ko. It is an abstract red painting. Ni hindi ko alam kung saan ito nanggaling. Siguro ay sa buhok ko. But it somehow looks like a distorted rose for me.

Tsaka lang sumagi sa isip ko. Bakit ko naman iisipin na rose ito? If Dorothy might look at this then blood will automatically be the title of this painting.

Whatever.

Itinabi ko na lang yun sa may bintana para pagkagising ko bukas ay tuyo na ito. Iniligpit ko na rin ang mga nagkalat kong gamit at naligo at inayos ko na ang sarili ko bago humiga sa kama.

Makikita ko si Matt sa last subject ko bukas. I'll talk to him after our class. I'll ask his side. I'll ask him why. And his reason should be acceptable. Hindi yung "trip ko lang." Or maybe, hindi ko na magagawa yun dahil hindi ko siya pagsasalitain.

He was the one who made this such a big deal for me. He let me get attached to do this. And he found this thing. Kaya dapat ay mas nangunguna pa nga siya patungo sa magandang daan o paraan. Wala lang talaga akong maisip kung bakit niya kayang gawin yun. Masyado ba akong nagtiwala sa kanya?

Tuesday afternoon, nasa cafeteria nanaman kami nila Aly and Tarah. Dala-dala ko yung painting na ginawa ko kagabi para sana ibenta. I just thought I can get some extra income with this, right?

"I don't get it." Maarteng sabi ni Aly.

"Is this... blood?" Nakakunot naman ang noo ni Tarah na itinanong iyon.

"I think it's a distorted rose." Sabi ko naman. Hindi ko rin alam kung bakit ko mas pinili ang rose kaysa sa blood. Well, yeah... it looks blood for some reason but it's really a distorted rose for me. And I'm the artist behind this painting, kaya ako ang masusunod.

Parehas naman na tumaas ang kilay nilang dalawa. Yeah, siguro ay mas magaling lang talaga ako sa art kaya't hindi nila naiintindihan ang gusto kong iparating.

"Okay, so magkano mo naman 'yan ipagbibili?" Tanong ni Aly habang umiinom ng juice.

Pinag-isipan ko rin 'yan kanina. Hindi pa naman ako sikat na painter dahil hobby ko lang naman ang pagp-paint at hindi profession. Like my singing, hobby ko lang rin yun. Travelling talaga ang passion ko.

"Mga... " Tinagilid ko ang ulo ko habang tinitignan muli ang painting. "Maybe twenty thousand?"

"Twenty thousand?!" Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Aly habang si Tarah ay wala pa ring reaksyon.

"Yeah, super baba na nga nun compared sa ibang paintings."

"Are you serious?! Twenty thousand talaga?" Hindi pa rin siya makapaniwala kaya't napairap na lang ako. Yeah, I can't blame her. She's not really into arts. She's taking a business management course. Si Tarah ay sa MASS COMM.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon