After Nostalgia

88 5 3
                                    

It's been months since I woke up from a nightmare dressed like a daydream. Sa mga unang araw na gising na ako ay para naman akong namatay. Para akong nawalan ng buhay. Nawalan ng kabuluhan ang buhay ko. I don't even know why I'm still alive. Why I need to woke up from all that.

Isang salita lang ang pwede kong sabihin para ilarawan ang naging buhay ko nang nagising ako-- miserable.

Sobrang miserable ng naging buhay ko.

Naaalala ko pa nang magising muli ako. Hindi na sa mundo na kinasanayan ko pero sa totoong mundo na naging bangungot para sa akin.

Ang mukha ni mommy ang agad kong nakita. Ang itim ng gilid ng mga mata niya. Halatang hindi pa nakakatulog. I saw the way she smiled when she saw that I'm awake again.

"I miss you.." She whispered. Tumulo rin ang luha na kanina pa nagbabadyang lumabas sa mga mata niya.

"Where is he?" Nanghihina kong tanong.

"Umuwi saglit ang daddy mo. Pinagpahinga ko muna dahil sobrang napagod sa operasyon na ginawa niya kanina."

Hindi si daddy ang hinahanap ko pero sa naging sagot ni mommy ay nagkaroon ako ng pag-asa. So my dad is really a doctor. Kung ganun, ano pa ang mga totoo?

Napatango ako sa sinabi ni mama. Mahabang katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Parehas lang naming tinitignan ang mata ng bawat isa.

"Where is..." I asked.

Nakita ko ang pagkunot ng mga noo ni mommy. Hindi ko matapos ang sasabihin ko. Bigla akong kinabahan muli.

"Where's..." Pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga. Pinigilan naman ako ni mommy.

Shit! What's the name of that guy again?!

Napahawak ako sa ulo ko dahil unti-unti nanaman itong sumakit. I heard my mom's cry nang magsimula na rin akong umiyak sa pisikal na sakit at sa emosyonal na sakit.

Narinig ko na lang ang pagkalabog ng pintuan at may dalawang dumating na nurse at pilit akong pinahiga. Pumalag ako at nagwala. Pero naramdaman ko na lang na may tinusok sila sa akin hanggang sa unti-unti akong nanghina.

Patuloy akong umiyak habang pinahiga nila akong muli.

"Find him... find him..." I whispered bago ako nakatulog.

Hindi ko alam kung ilang linggong ganun ang naging sitwasyon kada nagigising ako. Basta ang alam ko lang nung mga panahon na yun, some memories played on my head. Putol-putol at malabong mga alaala. Sobrang sayang mga alaala. Sobrang nakaka-excite na mga alaala.

The sunset, the beach, the mall, the car, the parking lot, the train station. Tuwing naaalala ko ang mga yun, napapangiti ako at napapaiyak. Sobrang saya, pero sobrang sakit.

I remember them all. I remember all the memories... it's the people I don't remember that are involved in those memories.

Isang araw ay nagising muli ako na nasa parehong hospital room. I was about to ask where to find that guy again nang tumama ang mga mata ko sa isang lalaking nakaupo sa gilid ko.

Nakahawak siya sa sentido niya at tulog.

Hinawakan ko ang pisngi niya. Hindi ko alam kung ilang araw na akong tulog pero sobrang nanghihina pa rin ako.

Gumalaw siya at binuksan niya ang mga mata niya. Nang makita niya ako ay bigla siyang napangiti at napangiti na lang rin ako nang bigyan niya ako ng mahigpit na yakap.

"Jasper... I can't breathe..." Nahihirapan kong sabi.

"Damn! You know me! You know my name! Sobrang napasaya mo ako!" He said while still hugging me.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon