Nostalgia 22

31 4 1
                                    


Nostalgia // Lopez


"Teka.." Nilabas niya ang phone niya na nasa bulsa niya. Napaiwan na lang ako ng tingin at kumain na lang ulit. Bahala siya diyan. "Hello Angelica?"

Nakita kong nakangiti siya nang may sumagot sa tawag. Edi wow.

"Oo... kasi nandito kami sa Lazonga ngayon. Oo, hahanapin na namin si Lolo Tasyong... oo. Gusto ko lang sana itanong kung anong full name nila? Ano?" Nakita ko ang pagpipigil niya ng tawa. "Ricardo? Ricardo Lopez? Paano naging Tasyong ang nickname nila? Hahahahahaha!"

Gusto ko rin sanang matawa ngunit hindi ko man lang magawang ngumiti. Well, may mga ganung tao naman talaga. Yung pinsan ng kakilala ko Benjamin ang totoong pangalan, ang nickname niya? Totzky. Weird, right?

"May naaalala ka ba kung saan sila nakatira?" Tanong nanaman niya. Bakit ba parang ang haba ng pag-uusap nila? Akala ko ba yung pangalan lang ang tatanungin. Well whatever, magagamit rin naman siguro namin ang impormasyon na 'yan. "Sige sige... salamat, ha?" Nakarinig ako ng mahabang katahimikan kaya napatingin ako sa kanya.

"O-okay lang naman ako... may kasama ako yung kaibigan ko." Napayuko na lang ako. "Balitaan ka na lang ulit namin. Sige, bye!"

"Ano daw sabi?" No sign of giddyness from my voice.

"Ricardo Lopez daw ang buong pangalan ni Lolo Tasyong. Ang alam niya sa may kamag-anak raw si Lolo sa may Cansulan, Lazonga. Pero magbabakasali pa rin tayo sa munisipyo."

Napatango na lang ako sa naging sagot niya. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami sa munisipyo. Hindi rin naman kami nahirapan dahil malapit lamang ito. Malinis ang lugar ngunit maraming mga taong jejemon.

Pinilit pa ako ni Matt na maiwan na lang raw ako sa labas ng office para raw gumana nanaman ang charm niya. Syempre, hindi ako pumayag. Kaya naman medyo nagtutulakan pa kaming dalawa bago makapasok sa office.

"Uh Miss, pwede bang makuha ang isang address ng tao? Nasa amin naman po yung full name niya." Pacute na sabi ni Matt sa middle-aged woman. Buti na lang at middle-aged na 'to.

"Naku sir, hindi po namin pwedeng gawin 'yan kung walang matinong rason. Bakit niyo po ba gusto sanang kunin?" Magalang na pagkakatanong ng babae. Naiinip na ako at gusto ko nang mahanap si Lolo Tasyong kaya ako ang sumagot.

"May ibibigay kami sa kanyang importante. Ngayon, kung hindi mo sasabihin ang address niya, mamamatay siyang hindi natatanggap 'yun." Dire-diretso kong sabi. Naramdaman ko naman ang pagsiko sa akin ni Matt at napatingin rin sa akin ang babae. Nakita kong nagtagal ang tingin niya sa tainga kong puro piercings.

"Naku po ma'am, hindi po talaga pwede. Kung gusto niyo po, kumuha po kayo ng clearance, mayor's clearance, pati po sa police station..." Hindi ko na naintindihan ang iba niyang sinabi dahil hindi ko rin naman ginusto pang makinig. Umalis na lang kami sa opisinang iyon.

"Ikaw kasi eh, sinabi ko nang ako na ang bahala. Pangit naman kasi ng charms mo."

"Ang sabihin mo, gusto mo nagbabakasakali kang may makitang maganda doon sa loob at popormahan mo nanaman." Napairap ako sa sariling ideya.

"Grabe, ganyan na ba talaga tingin mo sa akin?"

Hindi ko na lang siya sinagot. Kaya ang naging plano namin ay halughugin ang bawat bahay na makikita namin sa Cansulan. Hiningi namin ang direksyon sa isang tricycle driver. Nag-offer rin siyang ipag-drive na lang kami doon ngunit baka maubos ang pera namin kaya't lalakarin na lang namin.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon