Nostalgia 31

53 2 0
                                    

Nostalgia // Lovebug


Two weeks passed at hindi ko man lang naramdaman si Matt. Hindi ko alam kung gusto niya pa bang makipagkaibigan sa akin o ano. Ayoko naman na ako ang unang lumapit sa kanya. Mahal ang pride ko.

Though, I still see him every Monday and Tuesday sa last class namin. I know he's looking at me but I don't dare to look back.

Nagtaka na lang ako nang mahuli ko siyang naggigitara sa may likod ng building nung vacant time ko. Seryosong seryoso pa siya nun at nang makita niya akong pinapanood siya ay agad niyang tinago ang gitara sa likod niya at nagdrums kahit wala namang drums. Invisible kumabaga.

Napailing na lang ako at umalis. Nababaliw nanaman siguro yun.

It's a normal Friday for me but my parents are so excited just because their daughter turned twenty. That means I'm not a teenager anymore, right? But why do they keep treating me like one?

"Happy Birthday Dorothy! Sinong mga inimbitahan mong kaibigan?" Mom giddily asked.

"Umm... si Aly at Tarah and then the band at sila Jasper at Matt. Ganun. Saan ba magd-dinner ngayon?"

"Wala pa kaming nahahanap na magandang restaurant ng Daddy mo eh. Do you have somewhere in your mind na gusto mong puntahan?"

Napaisip naman ako sa bar ni Manager Ree. It's not exactly the bar na maraming umiinom at sumasayaw. It's also a good place for family dinners dahil may menu rin naman sila.

"Yes. You can call your driver and book a reservation sa Zinked restaurant. It's somewhat a bar pero hindi naman ganun ka..you know, wild."

Nakita ko naman ang excitement sa mukha ni Mommy. "Is this the bar you're talking about before na may painting ka?"

Tumango lang ako. Oo nga pala, maybe I can submit some of my paintings too later.

Napatili naman si Mommy at agad namang sumang-ayon sa gusto ko. The said they want to see my paintings hanging there too.

Natawa na lang ako sa isip ko. Dati, gusto nilang mag nurse ako, pero sinuway ko sila. Ngayon na may nabenta akong painting, halos isigaw nila sa buong barangay na painter ang anak nila. Diba?

"Faith, you should bring your boyfriend."

Halos mabilaukan naman ako sa sinabi ni Daddy. Ngayon lang ulit kami nakapagbreakfast ng sabay-sabay tapos ganito pa. Napainom naman ako kaagad ng tubig. Napataas naman ng kilay si Daddy.

"I-I... I don't have a boyfriend Dad. I ain't got no time for that." I tried to act cool as possible.

Some people greeted me while I was walking on the corridors. Tinanguan ko lang yung mga pamilyar sa akin. Yung mga hindi ko naman kilala, hindi ko na lang pinansin. I don't talk to strangers.

But then, naalala ko nanaman si Matt at ang interaction namin before. Ugh, lahat na lang ba?

"Saan ang dinner mamaya?" Aly asked habang kumakain kami ng lunch.

May advantage rin pala ang pagiging birthday girl today. Nilibre ako ni Aly ng lunch at pinagsaluhan naman naming tatlo ang maliit na cake na binigay ni Tarah. They're so sweet. Ew.

"Sa Zinked."

Napakunot ng noo si Aly. "Saan 'yon?"

While Tarah lifted her eyes on mine. "Mags-submit ka rin ng painting mo?"

Tumango lamang ako. Mukhang naliwanagan rin naman si Aly sa tinanong ni Tarah.

"Inimbitahan mo ba si Matt?"

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon