Nostalgia 16

69 3 0
                                    

Nostalgia // Second Time


Tumaas ang lahat ng balahibo ko nang maramdaman ko ang paghawak ni Matt sa braso ko at mabilis na hinila palabas ng kotse. Napatili na lang ako habang umiiyak at naramdaman ko na lang ang mga braso niyang nakapalibot sa akin at ang mukha ko ay nakabaon sa kanyang dibdib.

Doon ko binuhos ang lahat ng luha ko at napahagulhol na lang. I don't cry! I fucking don't cry especially not in front of a stranger, a friend, a family member or anybody else. 

Napahawak na lang ako sa t-shirt niya at 'yon ang pinanggigilan ko. Alam kong gusot na gusot na ang damit niya at basang-basa na ng luha ko pero wala akong pakialam. Hinayaan niya lang akong umiyak sa dibdib niya ng ilang mga minuto at hindi nagsalita o nagreklamo hanggang sa medyo kumalma na ako tsaka ko lang siya narinig na magsalita.

"Dorothy, why are you crying?" Narinig ko ang mahinahon at malambing niyang boses at pilit niyang sinisilip ang mukha ko. Dahil sa ginawa niya, mas lalo ko naman binaon ang mukha ko sa dibdib niya at naiyak nanaman. I am the type of person na kung cinocomfort, ay mas lalong iiyak. Damn! And I hate to admit it!

"You scared me-no! You're scaring the shit out of me, Matt!" Sigaw ko. Alam kong kahit na malabo ang pagkakasigaw ko sa kanya ay naintindihan niya ito dahil sa narinig kong mahihinang tawa.

"But why? Don't you like it here?" Tanong niya at rinig ko ang pilyo niyang ngiti dahil sa tono ng pananalita niya kahit hindi ko siya makita.

"Fuck you." I whispered and smashed his chest using my fist. Hindi naman siya natinag at natawa na lang.

"I thought you're gonna like it here because I know you love adventures and you're fearless and this is a place where fearless people can go and-" Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya at tumingala na ako sa kanya. Nagkasalubong naman ang aming mga mata.

"Eh akala ko ba sa puso mo ako mapupunta, eh bakit kasi dito tayo napadpad?!" After I burst out those words, naramdaman ko ang katahimikan dahil ang tanging naririnig ko lang ay ang mga insekto sa paligid at ang mabilis na pagtibok ng mga puso.

Ilang beses akong napakurap nang makita ko kung paanong unti-unting namula ang mga pisngi ni Matt. Kahit basa pa rin ang mga mata ko ay kitang-kita ko ito ng malinaw.

"B-bakit ka namumu-"

"Ano ba yan Doroteng, ayusin mo nga 'yang mukha mo. Punong-puno ng luha at sipon!" Sabay iwas niya ng tingin sa akin.

Lumayo naman na ako sa kanya at agad na pinunasan ang mukha ko. Napatingin naman ulit ako sa kanya at nakita kong nakahawak siya sa batok niya at sumisilip ng tingin sa akin.

"Uwi na tayo." I mumbled at napayuko. Now, that was my turn para sumilip ng tingin sa kanya.

Nakita ko naman ang pilyo niyang ngiting gumuhit nanaman sa mukha niya.

"Doroteng, saan ka ba natakot? Sa lugar o sa mga kilos ko?" 

"It doesn't matter!"

"It does!"

"At bakit naman?"

"Syempre, ang cute kayang malaman na naiyak ka dahil sa akin." Tumaas-taas pa ang dalawa niyang kilay na para bang nang-aasar. Ang pagdududa ko naman kanina sa kanya ay bigla na lang naglaho. Now this is Matt. 

Humalukipkip naman ako at napangisi.

"Well, sorry to say, yung dalawang rason ang dahilan." Hindi pa rin nawala ang ngiti niya at mas lumaki pa ito.

"Eh ganun na rin 'yun! I feel so honored." Nagbow pa siyang bigla kaya naman kinuha ko na ang pagkakataon na 'yun para mabatukan siya.

And that was my biggest mistake for this night. Dahil sa pagbatok ko sa kanya, sabi niya na nawala na ang pagkaawa niya sa akin so he decided to continue what he planned for us to do this night.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon