Nostalgia 27

38 2 0
                                    

Nostalgia // Like


Some eyes looked at me. Because the person singing in front was also looking at me.


"Bucket full of tears

Baby know I'm here, I'm here waiting"


Ngumiti si Ivan sa akin habang ako ay tulala pa rin sa kanya. Nakaawang pa rin ang labi. He's not serious about that, right?


"Close your precious eyes

And just realize, I'm still fighting"


Napakurap ako at nakita ko naman na mas lumawak ang ngiti niya. Iniisip niya siguro na sinunod ko ang lyrics ng kanta niya pero ang totoo ay unti-unti ko nang naiintindihan ang mga nangyayari.


"For you to be with me and sit under this tree

We can watch the sunrise, we can watch the sunrise"


So his friendly moves aren't just because he's being friendly? He was looking at me in a romantic way for this whole damn time?


"Wake up feel the air that I'm breathing

I can't explain this feeling that I'm feeling

I won't go another day without you"


Napapikit na lang ako ng mariin habang iniintindi ko ang liriko ng kanta. Siya ang nagsulat nito. At ito ang nararamdaman niya.

Napadilat ako at diretso pa rin ang tingin niya sa akin.

This guy was my best friend and he actually... fell in love with me?

Napailing na lang ako at hindi ko na napigilang tumayo. Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya at ang pag-amba niyang bumaba ng stage pero pinigilan siya nila Logan at Nick sa pamamagitan ng tingin.

Ang tanga niya kung hindi siya magiging professional at pipiliin niyang sundan ako. Kakasabi niya lang kanina na may manager na nanonood sa kanila ngayon.

Lumabas na ako ng bar na yun at pumara ng taxi. Shit! If I only have a car, then it will be less hassle.

I quickly called my only friends. Now I'm sure na mapagkakatiwalaan ko talaga sila at hinding hindi sila mai-inlove sa akin.

"Where are you?" Nanginginig ang boses ko.

"At home, why?"

"Go to the Valkyrie bar now. Bring Tarah."

"What?! But-"

Hindi ko na siya pinatapos at pinatay na kaagad ang tawag. Muntik ko nang makalimutan magbayad sa taxi nang palabas na ako.

Narinig ko ang malakas na tugtog kahit nasa labas pa lang ako ng bar. My outift still looks presentable. Kung mainit mamaya ay tatanggalin ko na lang ang leather jacket ko.

Pumasok ako at nakita ko na medyo madami na rin ang mga sumasayaw sa dancefloor kahit na maaga pa. Hindi ko na lang yun pinansin at dumiretso na sa isang sofa. Hindi muna ako um-order ng drinks at hinintay ko muna ang dalawa.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon