Nostalgia 34

36 3 0
                                    

Nostalgia // Tekken


Thursday na at hindi ko na muling nakita si Matt. Just when I thought everything is going smoothly, bigla na lang siyang nagkaganun. Ugh! I don't know anymore!

I'm always trying my best to reach out to him pero ngayon ni hindi nanaman siya nagpaparamdam sa akin. At ayaw ko na itong patagalin. I want an answer as soon as possible.

I texted the person who's also close to him.




To: Jasper

Hoy Jap! May klase ka pa?




Alas-kuwatro na at wala na rin kaming klase. Sa ngayon ay pakalat-kalat lang ako dito sa campus at hinahanap si Matt para makapag-usap kami.




Jasper

Wala na pero may kakausapin ako.





To: Jasper

Sino? Nasan si Matt?




Hindi na ako nakatanggap pa ng text sa kanya. Damn! The nerve of that guy!

Nawalan na ako ng pag-asa habang paikot-ikot ako sa campus nang makita ko sa malayo si Ivan na naglalakad. I find it weird dahil hindi niya kasama sila Nick at Logan. At mukha pa siyang nagmamadali at balisa.

Sinundan ko siya at nahirapan pa akong hagilapin siya dahil marami na ring tao ang nagsisiuwian.

Napunta ako sa likod ng isang abandonadong building. Lalapit pa sana ako kung saan pumunta si Ivan nang may marinig akong dalawang tinig na nag-uusap.

I heard a serious voice. Napakunot ako ng noo nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Jasper. "What did you tell him?"

"The hell you care?" Sagot ni Ivan. I know their voices! I know it's them! Pero bakit naman sila mag-uusap? Bakit kailangang dito pa? At anong pinag-uusapan nila?

"Look, he's my friend. Ilang araw na siyang nam-mroblema at ikaw lang ang naisip kong dahilan. Ni hindi ka nga nagdeny sa mga paratang ko. Ano bang sinabi mo sa kanya?" Iritadong tanong ni Jasper.

Gusto kong sumilip sa kanila pero mahirap na. Feeling ko ay may nangyayaring hindi ko alam. I feel responsible that I should know this issue. My cousin, my friend, and Matt are involved.

Narinig ko ang pagkahalakhak ni Ivan. "Wow! Sobrang concerned mo naman yata sa kaibigan mo?"

"That's how friends are, just so you know. Baka kasi hindi ka pa nakakaramdam ng kalinga ng isang kaibigan."

"Look, I just told him to back off. Mas nauna ako sa kanya and she's mine so I get to keep her-"

"She's my cousin at hindi siya bagay na pwedeng angkinin na lang! Bakit? Akala mo ba mauuto mo kami sa kasinungalingan mo?"

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon