Nostalgia 30

61 2 0
                                    

Nostalgia // Chance


Pagkatapos naming kumain ng lunch ay nanood lang kami ng movies sa sala. Nang dumating si mommy at daddy ay pinaalis ko na rin siya kaagad. Sinabi ko rin sa kanyang galit pa rin ako sa kanya at hindi ko ulit siya papansinin. Ayun, naguluhan ulit siya pero hindi ko alam kung bakit hindi rin siya nagpaparamdam sa akin. Napagod na rin siguro sa ugali ko.

Well, after our bonding that day, I'm half-satisfied about it. Dahil na rin siguro nakapagbonding rin kami ng ganun, pero hindi pa rin mawala sa isip ko si Lola Koring at ang kasalanan niya.

Sa tingin ko ay pwede pa naman namin maibalik ang dati, yung puro adventures lang kami, pero ni hindi niya nga magawang i-explain kahit yung side niya. Hindi naman siguro maganda yun diba? Na hindi ko siya pinansin ng three weeks tapos bigla ko na lang siyang papansinin dahil lang sa may utang na loob ako sa kanya. Ano yun? Nasayang yung effort ko sa three weeks na yun?

I still have my dignity. Kaya pinagluto ko siya at binigay ko na lang sa kanya yung latest kong painting na siya ang subject. That way, parang binayaran ko na siya ng utang na loob. Thank you gift ko na sa kanya yun.

Kaya hindi ko na ulit siya pinansin. Ayoko naman na ako ang lumapit sa kanya at hingin ang side niya para magkaayos kami. Gusto ko ay gumawa rin siya ng paraan. Pagkukusa kumbaga na i-explain ang side niya. Yun lang naman ang gusto ko eh.

Monday afternoon, hindi ko siya ulit pinansin. I can sense that he's staring a me though. Hindi ko alam kung maiilang ako o kikiligin. Wait... kikiligin? The fuck.

Tuesday ng hapon nang pumunta kami sa bar kasama si Tarah at yung kablockmate niya. Tama nga ang hinala ko na kung saan ang gig nila Ivan nung Saturday ay yun ang bar na pag-aari ng nakausap ni Tarah. Tita ng kablockmate niya yung manager ng bar na yun.

"Tita, si Tarah po, kablockmate ko. Tsaka si Dorothy po, yung nagpaint dun sa painting." Pakilala sa amin ni Monique, yung kablockmate nni Tarah.

"Hello po." Bati ni Tarah.

Tumango lang naman ako to acknowledge their presence. Hassle magsalita.

"Call me Manager Ree." Naglahad siya ng kamay at inabot naman namin yun.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Manager Ree sa akin nang magshake hands kaming dalawa. At napangiti rin sa wakas.

"If I'm not mistaken, ikaw yung kasama nung Galaxias noong Saturday, right?" Nakangiting tanong sa akin ni Manager Ree. Oo nga pala. Nakita niya rin ako nun. Siya yung nagremind sa kanila sa time ng break.

Bigla ko naman ulit naalala ang lahat ng nangyari nung Saturday. Ni hindi pa kami nakakapag-usap ni Ivan. Tuwing nakikita ko siya ay nagtatago na ako. So basically, I'm ignoring those two guys for now.

"Opo. Mga barkada ko rin po kasi sila Nick, Logan at.. Ivan." Sagot ko.

"Ahh. Alam mo bang kinausap sila nung manager na nandito nung gabing yun? Hindi ko alam kung anong sinabi eh. Malaki ang posibilidad na gawin silang talent nun, kaya lang medyo sumablay sila sa last song nila eh."

Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya. Last performace? Yun yung original composition ni Ivan na tungkol... sa akin.

"B-bakit? Ano po bang nangyari sa last song nila?"

"Ay baka umalis ka na nun. Hindi ko alam eh, parang natunganga yung vocalist, si... Ivan ba yun? Hindi ko alam kung nakalimutan ba yung lyrics pero nakabawi rin naman. Kaunting lines lang naman yung namiss niya."

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon