Nostalgia 2

154 9 6
                                    

Nostalgia // Conversation


I'm ready! Ready na akong pumasok sa loob kahit hindi ako nakabili ng ticket. Ready na akong magtago sa gwardyang nagbabantay. Ready na talaga ako.

Gagawin ko na sana ang ultimate ninja move ko para makapasok dahil saktong saktong walang tumitingin, eto na-

"Hoy! Anong ginagawa mo dyan?" 

Huminga ako ng malalim at lumingon sa likod ko. Nakita ko nanaman ang pagmumukhang iyon. Seryoso? Why did he do that? Ang nakakainis pa lalo ay yung ngising nasa pagmumukha niyang gwapo pero kahit na, nakakainis pa rin siya!

"Miss, muntik na yun ah. Bawal po ang walang ticket," sabi naman ng gwardya na nakita na ako. Thanks a lot to that stupid jerk!

Lumapit naman sa akin yung lalaking kumanta kanina ng "worth it" na nang-asar sa akin. Tinaas niya ang kamay niya as a sign for saying hello but instead of saying "hello" too, I raised my middle finger to him at dinaanan ko lang siya. 

Fuck. Sirang-sira na tong bakasyong ito.

"Woah there! Wait lang Miss Freak!"

Napahinto ako sa paglalakad kahit ang layo-layo ko na sa pinaggalingan ko and realized something. I looked at my shirt at nandoon ang naglalaking letra na F, R, E, A at K. Lumingon nanaman ako at nakita yung lalaking yun na papalapit sa akin. Napalunok ako nang tinanggal niya yung sunglasses niya. Well, gwapo pero hindi! Nakakainis kaya siya. Lalo na nakasmirk nanaman siya! Ano bang problema niya? 

I crossed my arms and raised my eyebrow at him nang huminto siya sa harapan ko. Nakita ko nang malapitan ang mukha niya at dark brown ang mga mata at maputi siya. Mukhang alagang abroad. 

"You need any help?" tanong niya sa akin. Teka, ang weird din niya ah. Siya ang lumapit sa akin at tatanungin niya ako ng ganoong tanong. I don't know if it's just me pero nararamdaman ko ang yabang sa kanya. Yabang kaya or playfulness lang? Well, it doesn't matter! He's a jerk. And that's the perfect adjective for him.

"What do you want?" I asked  him straight-forward. Casual. Feeling close to eh.

"Let's make a deal," sabi niya at gumuhit sa bibig niya ang isang ngiti.

Akala niya siguro maloloko niya ako. I smirked and turned my back to him and continued walking with my baggages. Shet lang kasi dapat cool kang tignan pero hindi dahil ang dami at bigat ng mga dala mo.

"That's such a cute view!" Narinig kong sabi niya sa akin at dahil inuubos niya ang pasensya ko, again, I raised my mid finger in the air para ipakita sa kanya yun. Narinig ko naman ang pagtawa niya. These people in the airport gave me some look na nagtataka kung bakit siguro ko yun ginagawa well guess what? I don't care.

"I'll pay for your ticket in one condition!" 

That. Made me stop walking and for the third time, lumingon ako sa kanya. I tilted my head na sign kung totoo ba ang sinasabi niya.

"So, ako pa kailangan mag-adjust?" ngiting-ngiting sabi niya. 

Shit happens talaga. 

Kung hindi ko lang talaga kailangan babaan ang pride ko para makapunta ng Palawan eh malamang kanina ko pa to nasuntok. Lumapit ako sa kanya kahit hirap na hirap na ako dito sa mga dala kong bagahe.

"I'll pay for everything that you need, but you'll be my tour guide."

"Maraming tour guide sa Palawan at-"

"Hep!" He raised his hand to stop me from talking. "Ayaw mo?"

SHIT HAPPENS. :)


One of my dreams since I was a kid is to travel around the world. But I thought bago ko malibot ang mundo, I need to start with our country. So at the age of 15, I started travelling. At hindi iyon sinang-ayunan ng mga parents ko. Well, sang-ayon sila kung kasama ko silang nagt-travel. Tuwing may mga family trips. Pero alangan namang magt-travel ako tuwing kasama lang sila diba? Kailan na lang ako matatapos libutin ang mundo kung ganoon? So, that's one of the reasons why I started breaking their rules. Sneaking out of our house in the middle of the night to meet my friends and to be lost in a big city. Hanggang sa ma-adopt ko na rin ang iba't ibang kaugalian nila. But hey, masaya silang kasama and they're my friends so who cares, right?

At sa buong 19 years of existence ko, ngayon lang ako nairitang sumakay sa airplane. Ngayon lang rin ako nakakita ng isang nakakaasar na katabi. Bwisit talaga.


"Miss Freak, pakinggan mo tong kantang to. Grabe talaga yung feels. Ramdam na ramdam mo yung pagmamahal ni Harry Styles sa pagkanta niya. At yung lyrics nitong kantang to, grabe talaga!"

Ang bakla niya. Siya pa lang ang nakita kong lalaking nagf-fanboy sa One Direction. It's not like I hate 1D but it's to see a situation like this! Buti na lang talaga at ako yung nasa bintana at nar-relax ako habang tinitignan ang mga clouds at mas pinili ko na lang na hindi pansinin ang taong katabi ko.

"Miss Freak, alam mo bang feeling ko pinagtagpo talaga tayo ng tadhana?"

Narindi naman ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya at nakatingin na pala siya sa akin na para bang kanina pa niya hinihintay na ako naman ang tumingin sa kanya.

At doon ko nanaman nakita ang unti-unting pagbuo ng ngiti niyang yun. Na para bang may nakamit siyang isang napakalaking achievement.

"Ayown! Tumingin ka rin! Kailangan ko pala ikaw bolahin para tumingin ka sa akin eh yiee"

Hindi ko na lang siya pinansin. Nakakatuwang isipin na ang haba ng pasensya ko sa taong ito. Hindi ko alam kung dahil feel ko lang o dahil meron akong utang na loob sa kanya kahit papano. Inenjoy ko na lang ulit yung view sa bintana.

"Miss Freak, nakita mo yung flight attendant kanina? Ang ganda niya no? Alam mo ba sabi ng mama ko dati nung pinagbubuntis niya ako, feeling niya gwapo ang magiging anak niya. Akalain mo yun! Totoong totoo yung hula niya! Kaya naman napansin ko kanina, tingin ng tingin yung flight attendant sa akin tapos pansin ko lang, ako lang nginingitian niya dito sa buong eroplano tapos-"

"Can you please shut your mouth?" I said to him habang pinipigilan ang galit ko. Mukha naman siyang nagulat dahil kinausap ko siya after 30 minutes nag pagdadaldal niya. I rolled my eyes and put my headphones na lang and faced the other side ulit.

And I'm happy dahil hindi na siya ulit nagsalita pa. I tried sleeping pero after 10 seconds kahit nakaheadphones ako narinig ko ang pagtawag nanaman niya sa akin gamit ang "Miss Freak" at may kasama ng pagyugyog sa balikat ko. Hindi ko siya pinansin dahil obvious naman na natutulog ako diba? Pero 1 minute na ang nakalipas at hindi pa rin niya ako tinitigilan. I heaved a very deep sigh trying not to burst out. Hinarap ko siya at inalis ang headphones.

"What?!" I swear, I tried not to burst out pero mukhang hindi pa pala sapat iyon dahil sinita na ako nung flight attendant at nagsitinginan rin sa akin ang ibang mga tao sa  eroplano. Nang wala na ang atensyon sa akin, hinarap ko ang lalaking katabi ko.

At sa totoo lang, hindi ko alam kung nagpapacute ba to sa akin o ano nang makita ko ang pagmumukha niya. Nakayuko ba naman at medyo nakapout na ang nguso niya which I find cute, yuck. His eyebrows are like a puppy and guess what? He's playing with his fingers sabay pa na hirap siyang tumingin sa akin.

"I-Itatanong ko lang naman sana..kung m-matutulog ka kaya sweetdreams," at bigla na lang niyang sinakluban ang mukha niya ng kumot.

Naiwan na lang ako dun na nakanganga. Seryoso talaga siya doon? What the hell?


***

AN: Ayan! So far, medyo nagustuhan ko na rin itong chapter na to hahaha kayo ba? Sana oo. :)

Need to remind you all guys na may pagkaRATED SPG po itong story hindi dahil may ano yung ano, pero dahil sa mga curse words na ginagamit ko. Kailangan kasi talaga para maipahiwatig ko ang attitudes ng mga characters natin. Okay?






A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon