Nostalgia // First Stop
I blinked. I blinked twice. At tinignan ko mabuti ang isang tao na nasa baba ng stage, katabi mismo ng spotlight. Hindi ko nga lang masyadong makita dahil nakatutok pa rin ang ilaw sa akin.
Hanggang sa maka-adjust na ang mga mata ko at nakita ko ang mukha niya. Nakangiti pa na parang nang-aasar na ano.
Nakakaloko.
Tumayo ako sa upuan at inalis na rin ang gitara sa pagkakasabit sa katawan ko at handa na akong bumaba ng stage nang humarang sa akin yung baklang manager ng bar. Putek.
"Isang kanta lang? Sineswerte ka yata. Dalawa pa tapos tsaka magbreak!" sabi niya sa akin ng malakas dahil habang hindi pa ako kumakanta nagpatugtog naman muna ang DJ ng bar para daw hindi awkward.
Napatingin naman ako sa mga tao na nasa bar, ang iba kumakain, nag-iinuman at nagk-kwentuhan pero karamihan sa kanila ay nakatingin sa akin. Naghihintay kung tutugtog at kakanta pa ba ako.
Tumingin naman ako sa lalaking sumigaw kanina at nakita ko na rin ng mas malinaw kung nasaan siya. At ang gago, nakangiti pang nakatingin sa akin. Nasa upuan ba naman siya kung saan malapit sa bartender at tinaas niya pa ang hawak na baso na may lamang inumin sabay ngiti pa sa akin. Para bang sinasabi niya sa akin na "cheers for you!".
Napatingin ulit ako sa mga tao, nakangiti silang naghihintay. Napatingin ako sa manager, may kausap na siya sa cellphone niya pero nakatingin pa rin sa akin at tumango pa.
Napahinga ako ng malalim at sinuot muli ang itim kong gitara at bumalik sa stage. Umupo ulit ako at nagsabi ng sorry.
"OKAY LANG!" rinig ko.
Sino pa nga bang sumigaw?
Nagsimula akong tumugtog ng gitara at pumikit na lang at dinamdam muli ang kanta. Nakakadistract kasi kapag nakikita ko ang mukha niyang pangit.
* * *
"Grabe! Ang ganda ng boses mo! Makabasag pinggan!"
I glared at him habang umiinom ako ng lemonade juice dito sa bar. Iba na ang nagp-perform na artist ngayon at kanina pa ako kinukulit ng taong ito.
"Teka, tama ba yung term na ginamit ko? Makabasag pinggan? Hmm.." nakatingin pa siya sa taas at hawak niya ang baba niya na para bang nag-iisip. "Hindi makabasag pinggan pala, hahaha nalito ako doon ah," I rolled my eyes for nth time.
"Bakit ka ba nandito?" tanong ko. Hindi ko naman siya inimbitahan na pumunta dito at lalo namang hindi niya alam na may trabaho ako ngayon para makaalis sa poder niya.
"Baka iniisip mong stalker ako ah. Hindi kaya kita hinabol nung nagkasalubong tayo, hindi rin ako gumamit ng hagdan nung nag-elevator ka, hindi rin ako nagtatago sa mga poste na nadadaanan mo no, hindi ako stalker. Ikaw talaga, kung ano-anong iniisip mo," sagot niya with matching pailing-iling pa at mga hand gestures. At kung titignan mo siya ngayon mukha siyang...shungang nagdedeny kahit huling-huli na.
DUH?
Ang galing niyang sumagot.
"Wala ka talagang magawa sa buhay mo no?" I sipped from my glass again.
"Wala nga eh kaya bukas gagala na tayo," sabi niya.
Napatigil naman ako sa pag-inom. Ramdam ko na parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang isang ngiti sa mukha niya.
Napangiti rin tuloy ako...dahil sa sinabi niya hindi sa mukha niya duh.
"Gago."
Hindi ko na nalaman kung paano kami nakauwi kagabi basta ang alam lang ko lang ngayon ay hirap na hirap kaming sumakay dito sa isang bangka dahil gumagalaw siya.

BINABASA MO ANG
A Daze To Nostalgia
Fiksi RemajaA rebel girl who seeks adventure. A bubbly boy who needs acquaintance. And together, they'll take a daze to nostalgia.