Nostalgia 9

87 5 1
                                    

AN: Sinipag ako mag-update kasi may nagrequest. mehehe kinilig po ako :)))


**


Nostalgia // Ranged Emotions


"WHAT THE F*CK ARE YOU DOING HERE?!"

I can't believe it! Bakit nandito sa pamamahay namin, well ng lola ko pala, ang lalaking ito?! At hindi ko alam kung bakit unti-unti pang nabubuo sa bibig niya ang isang ngiti na nagiging ngiwi dahil rin sa halatang pagkabigla niya.

"ARE YOU STALKING ME?! PUCHA! YOU'RE CREEPING ME OUT! YOU SHOULDN'T BE IN HERE AND-"  

Nagpumiglas naman ako nang bigla niyang takpan ang bibig ko ng dalawa niyang kamay. What the hell. Ang lakas niya pa ah.

"Ito naman. Masyado kang na-excite makita ako. Namiss mo talaga ako!" Natatawa pa niyang sabi habang ako ay hirap na hirap tanggalin ang mga kamay niya sa bibig ko.

Bigla naman akong nakarinig ng mga hakbang ng paa. Great! I hope that's not my mom. Because if it is, I am dead.

"Anong nangyayari dito?" pahikab-hikab at pakamot-kamot pa na tanong ni Jasper. Gulo-gulo pa ang buhok niya, nakat-shirt at boxer shorts lang siya at halatang kakagising lang.

Nang makita niya naman kami sa ganoong posisyon ni Matt, mabilis pa sa pag-iwan ng mga paasa sa mundo, ang paglaki ng mga mata niya at lumapit sa amin na para bang nabawi na lahat ng antok niya.

"Pare, eh ang ingay pala nitong pinsan mo eh. Namiss yata ako." Ngiting-ngiti niya pang sabi.

"Oh eh, tanggalin mo na yang brief mo sa bunganga niya. Mamaya mas lalo 'yang magwala eh." Natatawang sabi naman ng tarantado kong pinsan. And ano daw? Brief?

Napatingin naman ako sa kamay niya at ayun nga, may nakasabit nga na brief! WHAT THE F LANG?! 

Nagpumiglas ulit ako at pinakawalan naman na niya ako. Umubo-ubo ako at baka nakasinghap pala ako ng nakakahawang sakit o baka kung ano ang andun sa undefined object at baka may mangyaring masama sa akin. Ugh.

Tawa lang naman ng tawa ang dalawang lalaking ito. Wala na akong magets sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung totoo pa ba ito o nananaginip lang ako. Baka tulog pa talaga ako? Natutulog ako kanina eh, pero nagising na ako. Shit. Gulong-gulo na talaga ako!

"Jasper, a-anong ginagawa ng lalaking 'yan dito?!" hindi ko na alam kung ano ang hitsura ng mukha ko ngayon pero alam kong mukha akong galit na natatae na ano. 

"Hindi ba nasabi sayo ni mama? HAHAHAHAHA dito nga tutuloy mga kaibigan ko diba? HAHAHAHA" tawa pa rin siya ng tawa.

"Kai-kaibigan?" gulong-gulo kong tanong sa kanya. Unti-unti naman akong napatingin kay Matt at ayun. Tumatawa lang rin siya at nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay tumigil siya sa pagtawa at pinuno ng hangin ang bibig niya na para ba siyang nakapout para mapigilan ang pagtawa niya. 

"Don't tell me..." I have an idea on my mind. But no...I can't manage to accept it if that's even a fact. Heck no!

Nang marinig niya ulit ang pagtawa ni Jasper ay hindi na rin niya napigilan at napatawa ulit.

Napasigaw na lang ako sa inis at nagwalk-out.Tamang-tama naman na dumating ang isa pa naming tita at tinanong ako pero hindi ko na lang sinagot at dumiretso sa kwarto ko. Bahala na sila magpaliwanag doon.

Ugh! Nakakainis! Bakit ba nandito ang taong 'yun?! At...at bakit sila magkaibigan ni Jasper?! May alam ba si Jasper sa lahat ng nangyari sa akin noong magkasama pa kami ni Matt?

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon