Nostalgia 14

52 3 0
                                    

Nostalgia // To His Heart


Fuck. Iniisip ko pa lang ang maging pwedeng dahilan kung bakit siya may suot na ID ay umaayaw na kaagad ang utak ko. Pero may mga clues na eh.

He was wearing an ID. Nandito siya sa university. At nasabi ni Jasper kanina na vacant daw nilang dalawa ni Matt. 

Nasabunutan ko na lang ang ulo ko ng wala sa oras sa mga naiisip ko. Akala ko talaga dati nung umalis ako ng Palawan ay mahihiwalay na ako sa taong 'yun.

Naramdaman ko nanaman ang pagv-vibrate ng phone ko. Napasilip naman ako at si Jasper ang tumatawag. Tinitigan ko lang ito habang nawala na ang pagtawag. I texted him.


To: Jasper

Ano ba? May klase ako!


Pinalibot ko ang tingin ko sa room at dahil sa pagmamadali kanina ay ang napili kong upuan ngayon ay ang medyo malapit pa sa pintuan. Pinagkibit balikat ko na lang 'yun para ako ang mauunang lumabas mamayang pagtapos na rin ang klase.

Nakatunganga ako sa white board namin nang marinig ko ang mga boses ni Jasper. Shit. Makikita ako dito sa bintana! Niyuko ko naman ang ulo ko hanggang sa nakadikit na ang noo ko sa desk ko. Lechugas.

"Oh, tignan mo dyan sa room na yan. 'Yan yung room ni Ma'am Viloria." Rinig kong sabi ni Jasper.

"Eh diba dito rin ang klase niya? Teka, hanapin muna natin siya." Nagtaka naman ako sa aburidong tono ni Matt.

"Matt, chill dude. Pupunta rin 'yan sa room na 'yan. Sige mauna na ako."

"Sige, punta na rin ako sa klase ko." Rinig kong sabi ni Matt. Nakarinig rin ako ng mga papalayong pagpadyak. 

Unti-unti ko namang inangat ang ulo ko at tumingin sa gilid ko na may bintana. Wala na sila. Nakahinga naman ako ng maluwag. Imposibleng magstay pa sila dito dahil mag-uumpisa na rin ang susunod na klase. Napangisi na lang ako sa tagumpay na naramdaman ko at binaling muli ang tingin sa white board.

Nagtaka naman ako sa katahimikang nagaganap sa room namin dahil kanina ay medyo maingay pa, eh wala pa naman ang next naming professor. Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na naghahanap ng upuan. Pinagtitinginan siya ng mga babae at pinagbubulungan rin siya ng mga ito.

He's scanning the room searching for a seat at kahit nakatalikod siya ay alam ko kung sino ang taong ito. What the hell is he doing here?!

Dahil sa  gulat ay hindi ko nabawi ang mga tingin ko nang mapadako ang tingin niya sa gawi ko at kitang-kita ko na nabuhayan nanaman ang mukha niya. 

"Doro-"

"Good morning Ma'am." sabay-sabay na bati ng mga kaklase ko. 

Nakita ko naman na umupo ni rin si Matt third row sa may bandang gitna. At kitang-kita ko rin ang mga mata ng mga babaeng nakatingin sa kanya at hindi kay Ma'am Viloria.

Tinuon ko ang atensyon ko sa whiteboard pati na rin sa professor naming dakdak nang dakdak. 'Yun nga lang ay hindi ako masyado makapagconcentrate sa pakikinig dahil alam kong mayroong dalawang mata na kanina pa nanonood sa bawat aksyon ko.

Pasimple akong tumingin sa gawi niya at nakita kong nakatingin na siya sa akin. Agad ko namang iniwas ang tingin ko. What the hell is he doing?! Hindi ba siya makikinig sa professor?!

Sinubukan ko ulit siyang tignan ng paunti-unti at nakatingin pa rin talaga siya sa akin and why the heck is he touching his lips while staring at me?! Tinaas ko ang kilay ko para sa kanya at napangisi na lang siya na naging dahilan para makita ko ang dimple niya.  

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon