Nostalgia 37

27 3 0
                                    

Nostalgia // Contest


"Wala ba talagang magsasalita sa inyo, ha?" Iritado na ang tono ng pulis na kanina pa kami gustong kausapin nang matino.

Nakayuko lang kaming dalawa ni Matt sa harap niya habang nakaupo kaming tatlo. Inangat ko ang aking tingin at sinilip siya. Nakayuko pa rin at pinaglalaruan ang mga daliri.

Ilang beses pa kaming tinanong ng pulis na yun pero wala talagang sumagot sa amin. We're both shocked about what's happening.

"Tsk! Kung ayaw niyong magsalita, magtiis muna kayo dyan sa loob ng selda!" Galit na pagkakasabi nung pulis.

Napaangat ako ng tingin. Matt didn't even move. No! I don't want to be in jail!

"P-pwede bang pag-usapan muna-"

"Pag-usapan?! Eh kanina ko pa nga kayo tinatanong, hindi kayo nagsasalita! Pansamantala, sa selda muna kayo! Kung gusto niyong maayos pa ang gusot na ito, tatawagan namin ang mga magulang niyo o ibang kasamahan para makipag-areglo kayo sa management ng mall na pinagtrip-an niyo!"

Wala na kaming nagawa.

Ipinasok ako sa selda ng mga babae habang si Matt ay sa mga lalaki. Napaupo na lang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan ang mga kasama ko.

They're all looking at me. I can't blame them, I'm new here. And this is my first time being in a situation like this.

Nakita ko ang pagtawa ng isang babae sa may dulo rin. Napatingin ako sa kanya at nakatingin rin siya sa akin habang tumatawa. Nag-igting ang panga ko at tumingin na lang sa kanila Matt.

Tahimik pa rin siya habang ang mga kasama niya doon ay pasimpleng lumalapit sa kanya.

I hope he'll be okay there.

Hindi ko namalayan na nagawa kong matulog nang isang oras kahit na hindi ko nagustuhan ang amoy sa lugar na iyon.

"Oh my god! Dorothy!" Narinig ko ang pamilyar na boses ni mommy. Napatayo ako bigla nang makita ko siya sa kabila ng mistulang gate.

She's crying. At sobrang guilt ang naramdaman ko.

Nagulat ako nang buksan ng isang officer ang selda at pinapalabas na ako. Sinunod ko naman siya at agad akong niyakap ni mommy.

"Ano nanaman bang katarantaduhan ang ginawa mo?!" Paulit-ulit niyang tinatanong.

"Where's dad? And..." Napatingin ako sa kabilang selda. Biglang nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Wala na doon si Matt. "Where's Matt?"

"They're outside. They're trying to fix this mess."

Agad kaming lumabas at nakita ko si Matt at daddy na lang ang nandoon at mukhang seryosong nag-uusap. Napatingin si Matt sa akin.

"Dad.." Bulong ko nang makalapit kami sa kanila.

Lumingon naman si daddy para harapin ako. Tumabi ako kay Matt para makaharap namin silang dalawa. Dad crossed his arms.

"What happened?" I can hear the intensity from his voice.

"Daddy, I'm sorry." Bulong ko at napayuko muli. Daddy has been my greatest fear. Takot na takot ako sa kanya and this happened. "It's..it's..my...it's my-"

"It's my fault."

Napaangat ako ng tingin kay Matt nang naguguluhan. Nakita ko na diretso lang siyang nakatingin kila mommy at daddy na naghihintay pa rin ng kasagutan sa lahat ng mga nangyayari.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon