Nostalgia 17

54 2 0
                                    


Nostalgia // Invitation


Ginugol namin ang gabing 'yun na nasa taas lang ng kotse ni Matt habang nanonood sa mga bituin sa langit. Hindi ko nga alam kung paano ako nakaidlip sa lugar na 'yun at nagising na lang ako sa boses ni Matt na pinapababa ako sa bubong ng kotse niya. Pumasok naman ako ulit sa tabi ng driver's seat at pinagpatuloy ang pagtulog doon.

Pagkagising ko ay naabutan ko na lang na sumisikat na ang araw at nagd-drive na rin si Matt.

"Good morning Doroteng," bati niya sa akin at ngumiti pa nang maramdaman niya ang pagkagising ko. Hindi ko maiwasang hindi punain ang boses niyang may pagkapaos pa ng konti.

Agad ko naman inayos ang mukha ko at baka may bakas pa ng pagkatulog ko.

"Natulog ka ba?" tanong ko.

"Hmm. . konti. Binantayan kita eh." Dahan-dahan naman akong napasilip sa mukha niya dahil sa sinabi niyang 'yun pero inosente lang siyang nagd-drive at diretso lang ang tingin niya sa kalsada. Napanguso na lang ako ng wala sa oras. Why am I expecting something else?

Tumingin na lang ako ulit sa daan at nakita ko ang mga daang tinahak niya rin kahapon. Huminto ulit kami sa gasolinahan na nadaanan namin at parehas pa rin ang nagbabantay doon kaya naman napadali ang pagbalik ni Matt ng mga pala.

"Saan tayo ngayon?" I asked nang mapansin kong ibang daan nanaman ang tinatahak niya. Sa nangyari kagabi, hindi ko alam kung bakit, pero imbis na mawalan ako ng tiwala sa kanya ay mas lalo lang naging matatag ang paniniwala ko sa kanya. Damn, I can't believe I'm actually complimenting him on my mind.

"May mission tayong gagawin." Sagot niya at ngumisi pa.

"Hindi ko tinatanong kung anong gagawin natin, tinatanong ko kung saan tayo pupunta."

"Edi sa paggagawan ng mission natin."

Hindi ko alam kung sabay pa kaming napairap sa ere dahil sa pag-uusap namin. Napangisi na lang ako sa thought na may pagkaparehas pala kami sa ugali. Napatingin ako sa kanya at nahuli ko ring nakaangat ang dulo ng kanyang labi.

Napansin ko na lang na huminto na ang sasakyan niya at napatingin ako sa medyo malaking bahay pero may pagkaluma na ang disenyo niya.

Lumabas si Matt ng kotse niya kaya naman sinundan ko na lang siya habang kumatok sa kulay itim na gate na may magandang disenyo. Mukhang may kaya ang nakatira sa bahay na ito ngunit hindi naman masyadong mayaman.

Ilang katok pa ang ginawa ni Matt nang may makita akong isang matandang babae na lumabas sa pintuan ng bahay. Tinagilid ko ang ulo ko para makitang mabuti ang hitsura niya habang lumalapit siya sa amin para pagbuksan ng gate.

Halos puti na ang lahat ng buhok nito at kung titignan mo siya ng malapitan ay makikita mo ang wrinkles sa maputi niyang balat at mukha niya. Ngunit kahit ganun, kitang-kita pa rin ang amo sa kanyang mukha. Ang mala-anghel niyang mga mata at pati na rin ang maganda niyang ngiti. Sigurado akong maganda siya noong kabataan niya. Dahil doon, napangiti na lang ako sa kanya.

"Magandang umaga po Lola Koring." Nakangiting bati ni Matt at nagmano pa sa matanda.

Pinagmasdan ko si Lola Koring at nakita kong nakangiti na siyang nakatingin sa akin. Nakakagaan ng pakiramdam ang presensya niya. Naalala ko naman bigla ang lahat ng kwinento sa akin ni Matt kagabi. Ito ang matandang tinutukoy niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagsimangot dahil sa kalungkutang naramdaman. Ni hindi ko alam kung bakit siya nakakangiti ng ganito sa sinapit niya noon.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon