Nostalgia // Tears
Nagkaquiz kami sa last subject namin tungkol sa pinag-aralan namin ng buong linggo dahil Biyernes naman ngayon. At habang pinapasa ang mga papel ay nahagip ng mga mata ko ang paulit-ulit na pagsilip ni Matt sa kanyang relo. Anong problema nito? Excited ba siya?
Nang magring naman ang bell ay nagulat ang lahat sa bigla niyang pagtayo at pagsigaw ng "YES!". Naguguluhan namang napatingin sa kanya ang buong klase at wala lang naman ito sa kanya. Wala talagang pake.
Inayos ko naman agad ang mga gamit ko at naramdaman ko na lang ang presensya niya sa likuran ko.
"Huy," sabay kalabit sa akin.
"Oh?" tanong ko naman habang nilalagay ang mga gamit sa loob ng bag ko.
"Huy," kalabit nanaman niya.
"Ano?"
"Huy. . .huy"
"Ano nga?!" Napalingon na lang ako dahil pucha. Ang kulit kulit naman nito! Kalabit nang kalabit eh maririnig ko naman kung ano ang gusto niyang sabihin. Napatingin tuloy ang iba naming blockmates na hindi pa nakakalabas ng room. Tinignan ko lang sila ng matalim at iniwas naman nila agad ang mga tingin nila.
"Ayan, titingin ka din pala eh," sabi naman niya at napangisi pa. Napairap na lang ako nang makita ko ang dimples niya. Gusto ko sanang hawakan para malaman kung anong feeling nun pero huwag na lang.
"Pinagpaalam na kita kay Tita. Eto lang sabi nila oh." Pinakita naman niya sa akin ang phone niya at nakita ko ang number ni mama at ang reply naman nila ay, 'Sige Matthew. Ingat kayo ha? Have fun!'
Sinuot ko na ang backpack ko at nauna ng lumabas ng room namin.
"Grabe, excited na ako sa gagawin natin mamaya! First time mo ko 'to at feeling ko first time mo rin!" Napairap na lang ako sa ere habang maingay na nagsasalita si Matt sa tabi ko. Hindi tuloy maiwasan maka-attract ng atensyon ng ibang tao hindi lang dahil sa lakas ng boses niya, ngunit pati na rin sa mga sinasabi niya.
"Lower your voice, Matt." Pabulong kong saway, sapat na para marinig niya.
Habang naglalakad kami sa hallway papunta sa parking lot ay nakita ko naman si Ivan na kasama ang iba niyang mga kabandmates na sila Nick na may nakasabit na gitara sa likuran, Logan, at Rj. Kuhang-kuha rin nila ang atensyon ng mga babae lalo na sila Ivan at Nick dahil sa kanilang mga hitsura.
Nakita ako ni Ivan kaya naman ay tumakbo siya palapit sa akin na sinundan naman ng mga kabarkada niya.
"Dooey!" Masaya niyang bati at nakipagfist bump naman siya sa akin.
"Bukas may gig kami sa bar tabi nung Trinomall. Punta ka ah."
Nag-isip naman ako kung may lakad ba ako bukas at napangiti na lang ako sa kanya at tumango nang maisip kong wala pa naman. Narinig ko naman ang pagtikhim ni Matt sa likuran ko at tsaka ko lang siya naalala. Oo nga pala.
"Ay! Uhm. . .Matt, si Ivan. Ivan si Matt," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. "Matt, ayun naman yung mga kabandmates ni Ivan, sila Nick, Logan at Rj."
Nakita ko naman ang pag-igting ng panga ni Ivan habang tinitignan ang taong nasa likuran ko at hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. They're both boys naman so walang problema at magkakasundo rin naman sila, di'ba? Ganun ang alam ko eh.
"Hello!" Nakangiting bati naman ni Matt sa kanilang apat. Ramdam ko na genuine ang kanyang ngiti lalo na't kitang-kita ang dimples niya. Samantalang matalim naman ang tingin ni Ivan sa kanya na napunta sa akin.
BINABASA MO ANG
A Daze To Nostalgia
Teen FictionA rebel girl who seeks adventure. A bubbly boy who needs acquaintance. And together, they'll take a daze to nostalgia.