Nostalgia 12

77 3 0
                                    

Nostalgia // Rollercoaster


"Grabe, ang pogi ko talaga!"

Napairap na lang ako sa mga salitang narinig ko at kanino pa ba manggagaling ang mga salitang iyon?

"Doroteng! Tignan mo oh, halos sa akin sila tumitingin lahat. Siguro ngayon lang sila nakakita ng ganito kagwapo katulad ko. Sabagay, probinsiya kasi kaya bihira lang talaga dumalaw ang mga gwapo dito sa bayan na 'to katulad ko."

Kung wala lang siguro akong utang sa taong 'to at hindi ko siya kilala, malamang kanina ko pa 'to iniwan dito sa plaza. I mean, is he really like this all the time? He feeds his own ego and I don't think that's attractive for a man. Pero teka nga, man ba talaga siya?

Nilibot ko naman ang tingin ko at tama nga siya, maraming mata ang nakatingin sa kanya. Well, actually sa amin. Tinignan ko mabuti kung paano tumingin ang mga tao sa amin.

Kadalasan ang mga babae ay halatang kinikilig, ang iba naman ay naw-weirduhan. Nakita ko rin ang pagbaba ng tingin ng isang matanda kanina sa amin. 

Ayun naman pala! Eh paano? Pupunta sa plaza ng isang barangay na putik putik ang sapatos. Yung pantalon nga ni Matt, may bahid na rin ng putik eh. Paanong hindi 'to makaka-attract ng tao?

Nakita ko naman na may mga nagbebenta ng pagkain sa isang tabi kaya hinila ko siya papunta doon. At tinuro ko yung pop corn na binebenta sa isang kariton.

"Bilhan mo 'ko nyan." I said with authority.

"Nakng- Doroteng, pagkain agad? Makiperya muna tayo."

Tinignan ko naman siya ng nagtataka. Anong pinagsasasabi nito?

"Ano ba? Kaya nga ako nagpapalibre sa'yo dahil wala akong pera, bakit ka humihingi sa akin?!" confused kong tanong.

"Huh?" natigilan siya sa sinabi ko pero pagkatapos ng ilang minuto, tumawa naman ng tumawa si Matt. Mas lalo tuloy siyang naka-attract ng mga tao para tumingin sa kanya. Marinig mo ba naman yung tawa niyang gwapo tapos kumakaway nanaman yung dimples niya sa akin. "Grabe Doroteng, ang funny mo talaga!" hirap na hirap pa niyang sabi dahil sa patuloy niyang pagtawa at hinampas pa ako sa braso. What the hell? Masyado yata siyang nagiging komportable sa akin ah.

Awkward naman akong nakatayo sa harap ng bilihan ng pop corn at ang tangi ko lang nagawa ay pagtaasan ng kilay si Matt.

"Hanep Doroteng! Ako ang balik-bayan, ikaw ang taga-dito sa Pilipinas, hindi mo alam ang perya?" natatawa niya pa ring sabi.

"Perya? Pera nga diba?" mas naconfuse ko namang tanong.

I think nalagyan lang ng letter 'y' dahil ganun ang tawag  ng mga tao dito. I think it's another dialect. Dialect ng bayan na 'to.

Mas lalo namang natawa ang kasama ko. Nang makakalma naman siya hinawakan niya ang magkaliwa kong balikat at hinarap ako sa isang lugar na mas maraming tao. Nakita ko ang mga iba't ibang pwesto ng palaruan, mga masasakyan pero ang nag-umapaw talaga sa paningin ko ay ang ferris wheel na kakailaw dahil sa christmas lights dahil gumagabi na rin.

"Doroteng, ang tawag dyan, perya."

Oh...so perya means carnival? I knew it! Sabi ko na eh, familiar yung word na yun, nagkamali lang ako ng hula. 

Tinuro naman niya ang iba't ibang bagay na nakikita naming dalawa.

"Ang tawag naman dito, bato. English nyan, rock. Baka kasi hindi mo din alam eh kaya itu-tutor na kita for free. Eto naman, kahon. Box naman ang english nyan. Eto naman," nagpatuloy pa siya sa pagturo sa iba't ibang bagay habang tumatawa-tawa pa. Okay, now I feel embarrassed. 

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon