Nostalgia 6

94 4 4
                                    

Nostalgia // Tasks

"Ano ngaaaaaaa?! Sabihin mo na kasiiii," inalis niya nanaman ang pagkatalukbong ng kumot sa mukha ko. Naasar ako dahil medyo nasinagan ng araw ang mukha ko pero nang makita ko ang mukha niyang parang naiiyak na natatae na ano, napatawa ako ng kaunti.

"Miss Freak nga, di'ba?" natatawa ko pang sabi. "Mag-iisang linggo na tayong magkasama, ngayon mo lang itatanong sa akin 'yan?" Para naman siyang bata nang mapakagat siya sa labi niya at napasimangot na lang. 

That was my signal to propose my plan to him.

"I have a deal," napatingin naman siya sa akin at pinagpatuloy ko na lang ang sinasabi ko. "I will tell you my name," bigla naman niyang inayos ang posisyon niya at humarap sa akin na para bang mas tinuon pa niya ang atensyon niya. Nakangiting aso pa siya, "..in one condition," and there, naalis na ang ngiti niya.

"Ano ba naman yan! Pangalan lang may kondisyon pa! Ang daming alam!" sabi niya, para siyang bata  na pinaghahampas yung unan 'dun. I don't know why I am so enjoying this.

"Oh edi, I guess I won't be introducing myself after all." Nagtalukbong ulit ako ng kumot. Napangiti na lang ako sa sayang nararamdaman ko. Yep,  I'm happy that I can bully him. I'm happy that I can do these things to him but he doesn't leave me alone. He's hella legit! 

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya at mga ilang segundong katahimikan hanggang sa narinig ko na rin muli ang boses niya at napangiti na lang ako.

"Anong kondisyon ba yan Miss Freak?"

* * *

"Bilisan mo maglakad! Ang bagal bagal naman eh!" I shouted at him. I don't even care when some people looked at me. Well, they don't know me naman dito eh.

"Ang ingay mo. Oh, anong gagawin natin dito?" he asked. He looks...bored. And I don't know why, but I have this sudden urge that I don't want him to be bored. Lalo na't kasama niya ako. I want him to experience life. I want him to experience this because I know this will be his first time and he's with me.

And, we're not in the hotel. Fuck lang nakakasawa rin dun. We're here in Robinsons Palawan at nasa labas pa lang kami and I'm going to do a thing for the hundredth time. Lol.

Tumingin ako sa kanya at nakita kong nagp-phone siya. Hay. Phone nanaman. Tinignan ko lang siya mabuti at nasense niya naman yata 'yun at napatingin siya sa mata ko, natakot kaya binulsa niya muna ang phone niya. Damn. He's such a coward.

"This is called the 1 minute challenge. I'm going to give you tasks and for each task, you need to complete it in 60 seconds. I'll give you 5 tasks. Kapag nagawa mo 'yun lahat then I'll give you my name," tuloy-tuloy kong page-explain.

Narinig ko ang pag 'tsk' niya kaya napatingin ulit ako sa mukha niya. Nagulat ako ng makita ko na medyo nakakunot ang noo niya...n-nagagalit ba siya? Nagagalit rin pala siya? Parang nag-iba siya eh. Kung dati parang outgoing na..na..fine, cute, ngayon parang naging serious na..hot?

Kinabahan naman ako nang mapatingin siya sa akin ng diretso habang nakakunot pa rin noo niya.

"Ang unfair naman nun. Ako lang interesado sa pangalan mo, parang ako lang maghihirap, ako lang mage-effort. Hindi ka ba interesado kung ano ring pangalan ko?" tanong naman niya.

Hindi ko alam ang pumasok sa utak ko nang medyo nagtiptoe ako at hinawakan ang magkasalubong niyang kilay. Hinawakan ko ito at pinaglayo na para bang tinatanggal ko ang pagkakunot sa noo niya. Mahirap man aminin pero kasi mas gusto ko yung lagi lang siyang nakangiti. Natakot ako bigla. Fuck. This is so not me. Damn.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon