Nostalgia 39

27 3 2
                                    

Nostalgia // Quezon Avenue Station


Napatumba ko yung plastic na baso. Buti na lang at wala ng laman ito. Natulala na lang ako bigla sa sinabi niya.

Ganito nanaman ba? What the hell is happening?!

Napatayo ako. Nanginginig na rin ang mga kamay ko habang inaayos ang mga gamit ko.

"D-Dorothy, saan ka pupunta?" Nagtataka niyang tanong at napatayo na rin.

Napatingin ako sa kanya. She knows what's happening to Matt right now. Siya na lang at tangi kong pag-asa.

Lumapit ako sa kanya at nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Hinawakan ko ang dalawa niyang braso at niyugyog.

"Van, please tell me kung nasaan siya ngayon. Kailangang-kailangan ko lang talaga siyang makausap bago siya umalis. Please, nagmamakaawa ako, nakikiusap ako sa'yo. Tell me please." Dire-diretso kong sabi.

Nakita ko naman ang unti-unting pagbuo ng ngiti sa labi niya na para bang kanina niya pa gustong gawin yun. Na para bang gusto niya sanang itago ang ngiting yun pero hindi na niya nagawa.

Kinuha niya ang palapulsuhan ko at tinignan ang oras sa aking relo.

"Hmm... wala pa siguro." Narinig kong bulong niya. "Samahan na lang kita kung nasaan siya ngayon."

Bago pa ako mapangiti at tumango sa kanya ay naramdaman ko na lang ang paghila ni Van sa akin. Nagpatianod na lang ako sa kanya.

Pumasok kami sa isang puting kotse but we're on the backseat. She has a driver. Well, rich kid siguro 'to.

Nakita kong bumulong siya sa driver nila at tumango lang ang driver at nagsimulang magdrive.

"Van, s-saan ba tayo pupunta? Maaabutan pa kaya natin si Matt? Is he in the airport right now?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Balisang-balisa na ako at gusto ko na lang sumigaw sa sobrang frustrated ko. Hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng mga kamay ko kaya naman napaangat ako ng tingin nang hawakan ni Van ang dalawa kong kamay.

"Relax. Maaabutan pa natin siya." She said with a smile. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko pero nabawi rin ang lahat ng yun nang sigawan niya ang driver nila na bilisan ang pagd-drive.

"Ewan ko ba sa lalaking yun. Hindi ko rin alam kung ano ang gustong kadramahan na mangyari. Nung una, sabi niya sasamahan niya ako pag im-meet na kita tapos ngayon naman na na-meet na kita wala naman siya ngayon dito. Tapos hindi pa pala niya nasabi sayo na ngayon siya aalis." Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga sinasabi o reklamo ni Van sa buong byahe. Basta iniisip ko na lang si Matt.

Ang daming kwestyon na tumatakbo sa utak ko. Paano kung hindi ko siya maabutan? Paano kung hindi ko na ulit siya makikita? Paano kung hindi ko na siya makakausap pang muli?

Hindi ko alam kung maririndi ba ako sa boses ni Van na salita nang salita kahit hindi naman ako nakikinig. Hindi naman siya ganito kadaldal dati noong una kaming nagkita but somehow, I'm thankful because she's here.

Nagising na lang ako sa pag-iisip ko nang maramdaman kong huminto na ang kotse.

"Tara na Dorothy! Baka hindi na natin siya maabutan!" Nasa labas na siya ng sasakyan at may hawak na cellphone sa kanyang tainga.

Mabilis akong bumaba ng kotse at napakunot na lang ako ng noo kung bakit kami nasa tapat ng MRT station.

Napatingin ako kay Van at takang-taka na ang reaksyon niya. "C'mon!" She said.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon