Nostalgia 21

44 4 0
                                    


Nostalgia // Trip to Lazonga


I sighed at kumalas sa pagkakahawak niya sa akin at lumayo ng kaunti. Tinitigan niya lang ako nang naguguluhan kaya't napaiwas na lang ako ng tingin. I really can't stare at his eyes. And this should stop. No, no, hindi ito pwede.

Napatikhim ako at mas lalong umalon ang tingin ko. Hindi ko alam kung anong iniisip ko nang simulan kong tanggalin ang black stilletos sa aking mga paa.

"Doroteng, anong ginagawa mo?" Hindi ko siya pinansin. Nang maramdaman ng paa ko ang malamig na semento sa parking lot ay nakaramdam ako ng ginhawa. Kanina pa sumasakit ang paa ko sa taas ng heels so I prefer walking bare-footed now.

Hawak ko ang dalawang stilletos sa kanang kamay ko. Pinasadahan ng kamay ko ang aking buhok at nagsimula muli akong naglakad palayo sa parking lot.

"Ano ba yan." Narinig kong sabi ni Matt pati na rin ang buntong-hininga niya. Naramdaman ko na lang na sumasabay na rin siya sa paglalakad sa gilid ko. Nasa gilid na kami ng kalsada at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Saglit." Sabi niya. Napatigil naman ako sa paglalakad at nakita ko siyang inalis rin ang sapatos niya. Napangisi na lang ako.

"Tara!" Sabi niya at hinila ako. Tumakbo kami kahit na may mga iilang tao kaming nadadaanan at naw-weirduhan sa aming dalawa. Tawa ako nang tawa dahil sa tawa rin ni Matt. Sobrang gwapo talaga, nakakainis.

Nagulat na lang ako nang huminto kami sa may taas ng tulay. Humawak ako sa railings at tinignan ang baba at nakita kong ilog iyon.

"Woah, huwag ka ngang gumanyan! Mahulog ka pa eh." Medyo takot na sinabi ni Matt. I don't know if it's the liquor kung bakit ako nagkaroon ng lakas na loob sa lahat ng mga sinabi ko kanina at sa lahat pa ng sasabihin ko ngayong gabi.

"Sasaluhin mo ba ako?" Napatingin ako sa kanya at alam kong mapungay na ang mga mata ko. My eyes wants to sleep, my system doesn't.

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya. Napatingin naman ako sa nakaawang niyang labi. Fuck. Pinilig ko ang ulo ko sa lahat ng mga naiisip.

"Lasing ka na talaga." Bulong niya. Kokontra na sana ako nang magsalita muli siya. "Ang gagawin natin ngayon Doroteng, tutulong tayo sa mga nangangailangan." Mabagal ang page-explain niya na para bang bata ang kausap.

Tumango-tango lang ako.

"Para sa mga nangangailangan." Ulit ko. He chuckled.

"Oo. Dahil kaya naman nating bumili pa ng bago, itong sapatos ko at 'yang sandals mo, itatapon na natin dito sa ilog."

Sumilip muli ako sa baba at umaalon ng konti ang tubig. Nakita ko rin na nagr-reflect dito ang ibang city lights at pati na rin ang liwanag na galing sa buwan.

"Dalawa ba?" Wala sa sarili kong tanong.

"Malamang, ganun ang ginawa nung idol kong si Jose Rizal eh." Natatawa niyang sabi. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

"O sige, pag sinabi kong 'go', itatapon na natin, ha?" Napatingin ako sa kanya at kitang-kita ko ang dimples niya habang nagsasalita siya.

"Yes sir!" Sabi ko at nagsalute sign pa.

"O sige, one, two, three, go!" Sabay naming hinagis ang sapatos niya at stilettos ko. Kabibili ko pa lang iyon kahapon pero may pera naman ulit akong pangbili eh, hihi.

Nagulat na lang kaming dalawa nang biglang may lumabas na bangka sa ilalim ng tulay at may lalaking namamangka pa dito. Sakto namang tumama sa ulo ng lalaking iyon ang isang sapatos ni Matt.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon