Nostalgia // Pressure
The week passed by so fast. Ni hindi ko na nga namalayan na Huwebes na at bukas na ang birthday party ni Aly. Kaya sa ngayon, habang nagd-discuss ang professor namin ay wala akong ibang ginawa kung hindi mag-isip kung paano ako makakabili ng regalo at ng isusuot ko para bukas.
Sinilip ko ang schedule ko ngayong araw na ito at nakitang wala na nga pala kaming last subject dahil nagkasakit raw ang professor namin sa subject na iyon.
Sino naman kaya ang pwede kong isama mamaya sa mall? Damn, I can't believe magm-mall ako mamaya hindi para bumili ng black clothes at astig na bagay katulad ng nakagawian ko ngunit para bumili ng regalo para kay Aly na siguradong kailangan ay pambabae at ng isang dress na pwede kong isuot sa party niya.
Naalala ko naman si Matt na unfortunately ay date ko para bukas. I don't even freaking know kung bakit kailangan pa ng date! As if namang sasayaw kami or what eh hindi naman iyon ball or prom. It's birthday for Pete's sake!
Dahil hindi ko pwedeng imbitahan si Aly dahil makikita niya ang regalo ko, busy si Tarah sa isang club ay tinext ko na ang kaisa-isang taong alam kong posibleng sumama sa akin.
To: Ivan
Hoy! Samahan mo ako mamaya sa mall.
Wala pang ilang minuto ay agad ko namang nareceive ang text niya.
Ivan
Okay. Anong time?
To: Ivan
Pagkatapos ng klase ko. Wala akong last subject.
Ivan
Okay. Hintayin kita sa parking lot.
Napahinga na lang ako ng malalim sa sagot ni Ivan. Maaasahan ko talaga 'yun.
Pagkatapos ng lahat ng klase ko ay agad naman akong pumunta sa parking lot at namataan ko na si Ivan na nakasandal sa kanyang itim na motorcycle. He's wearing a black shirt na fit sa kanyang katawan at maong na pants and a pair of sneakers. Hindi katulad ni Matt na kahit messy ang hair eh ayos pa rin, medyo nakataas naman ang buhok ni Ivan. Fuck. Why am I even comparing them?
Napasipol ako ng makita ko ang hitsura niya at para na rin malaman niyang nakarating na ako.
Agad naman siyang napatingin sa akin at napangisi.
"Dooey!" Umayos siya ng tayo at nilahad ang kamao niya. Nakipagfist bump naman ako sa kanya nang makalapit na ako.
"Stop with that corny nickname." Irap ko. Seriously, it's not even nice nor cute. It's ridiculous!
"Bakit naman? Ang cute kaya." Halakhak niya. Yeah, he really likes to annoy me pero di ako patitinag.
Sumakay na siya sa motor niya at sumakay na rin ako sa likod niya. Nagtaka ako kung bakit pagkatapos ng ilan pang sandali ay hindi pa siya nags-start magdrive. Magtatanong na sana ako ngunit naunahan niya ako.
"Dooey, can you please wear the helmet already?" Sinsero niyang tanong.
Napairap na lang ako sa ere at kinuha ang helmet na nasa likod ko. Tsaka lang siya nagdrive.
BINABASA MO ANG
A Daze To Nostalgia
Teen FictionA rebel girl who seeks adventure. A bubbly boy who needs acquaintance. And together, they'll take a daze to nostalgia.