Nostalgia // Apology
Ilang minuto akong natigil sa sinabi niya. Did I heard him right? O baka naman mali lang ang narinig ko? Mali lang ang nasabi niya? Jinojoke time niya lang ba ako?
Napangisi na lang ako nang makabawi ako sa naging reaksyon ko sa sinabi niya. "You're kidding, right?"
Pero halos magunaw ang buong mundo ko nang nakita ko ang hindi pagbabago ng mukha niya. He's still serious. Walang bahid na humour ang mukha niya.
Patuloy ko pa rin siyang tinignan. I didn't gave up with his stares. Naghahanap ako ng kahit kaunting butas sa reaksyon niya.
Dahan-dahan siyang umiling. "I'm serious."
Unti-unting nawala ang ngisi ko sa labi.
He's going to leave again. Hindi nanaman kami magkikita. Ano ang pwede kong gawin? Ano ang kaya kong gawin?
Naramdaman ko ang paghagod ng kamay ni Jasper sa aking likuran. Nilingon ko siya.
He's looking at me with concerned eyes. I'm not crying but I am dying inside. Pagod na akong maging mahina.
"How can I talk to him?" Pumiyok na ang mahina kong boses.
"I'll try to tell him that you want to talk to him. Sa ngayon, pabayaan muna natin siya." He said.
Wala na akong ibang nagawa kundi tumango.
Nagpresinta si Jasper na ihatid na ako sa bahay namin pero sinabi kong yung driver na lang namin dahil iyon ang inutos nila mommy at daddy. I'm trying to gain their trust and this is one of the steps to get it. But fuck it! Kailan pa ako natutong magpakontrol sa kanila?
Hindi ko na namalayan na nasa tapat na kami ng gate namin. Napadungaw ako sa bintana at nagtaka ako nang makita ko ang nakapark na motor ni Ivan.
What's he doing here?
Tumango lang ako sa driver namin nang magpaalam na siya sa akin. Nagmadali akong pumasok sa bahay. Naka-on ang tv sa sala pero wala akong nakitang tao doon. Narinig ko naman ang mga boses na nasa kusina kaya doon ako dumiretso.
"Oo naman. Naging successful pa rin ang surgery. Magaling kaya yung asawa ko." I heard mom's voice.
Nakita ko silang dalawa ni Ivan na nag-uusap. Mommy is cooking. Si Ivan naman ay nasa table lang at tahimik na nakikinig.
Parehas silang napatingin sa akin nang maramdaman nila ang presensya ko.
"Dooey." Ivan said.
Tinignan ko lang muna siya at dumiretso ako kay mommy para humalik at magmano.
"What are you doing here?" Tanong ko kaagad nang makaharap na sa kanya.
"Ikaw naman. You sounded like he's not welcome in our house. Samantalang pag si Matthew ang pupunta dito-"
"Mom!" Sinamaan ko sila ng tingin.
Narinig ko naman ang pagtikhim ni Ivan. Bumalik ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang pagtiim ng panga niya.
Narinig kong tumunog ang telepono sa sala namin.
"Saglit lang! Baka si Ninang Maribeth mo yun, sagutin ko lang ha? Pakitignan Dorothy itong niluluto ko." Mabilis na paalam ni mommy bago pumunta sa sala.
Napabuntong hininga na lang ako. Now I'm going to be alone with Ivan and that means I need to talk to him kahit ayoko. He's my bestfriend and I don't know why I feel awkward around him right now.
BINABASA MO ANG
A Daze To Nostalgia
Roman pour AdolescentsA rebel girl who seeks adventure. A bubbly boy who needs acquaintance. And together, they'll take a daze to nostalgia.