Nostalgia // Hangover
I suddenly opened my eyes when I felt the sunlight touched my face.
Hirap pa akong dumilat lalo na't naramdaman ko na sobrang sakit ng ulo ko. Para itong nahahati sa sobrang sakit. I want to scream but I don't think I also have the energy to do that.
"Ugh." Yun lang ang nagawa ko at napasabunot sa buhok ko at baka maibsan ang sakit.
Sinubukan kong umupo mula sa pagkakahiga at nakita ko ang pamilyar na paligid. The thin white curtains, the polaroid camera, the fresh paintings. This is my room. Paano ako nakapunta dito?
I even noticed I'm already wearing my t-shirt and jogger pants. Si mommy na siguro ang nagbihis sa akin.
Sinubukan kong alalahanin kung ano ang mga nangyari kagabi pero nang may mga naalala akong maliliit na detalye ay halos mabali ang ulo ka kakailing para naman makalimutan ang lahat. Siguro ay lasing lang ako kaya ganun.
Who am I kidding?
Hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito at sinubukan ulit alalahanin ang lahat pero hindi ko na rin matandaan kung hanggang saan ako may malay kagabi. I just wish I didn't messed myself up last night.
Bigla na lang ulit sumakit ang ulo ko kaya't napaungol na lang ako.
"Ughhh, shit!" I cursed.
Halos humiwalay naman ang kaluluwa ko sa katawan ko nang may makita akong gumalaw sa may sofa. I thought it was just a white blanket but I was so wrong.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha ni Matt na dahan-dahan ang pagbukas ng kanyang mga mata.
I was just there watching him waking up.
Ilang saglit pa ay nakatitig na lang siya sa akin at para bang walang nangyayaring kakaiba.
"What the fuck?" Bulong ko.
Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata niya at ang pagpapanic. Mas nagpanic naman ako nang nagmamadali siyang tumayo at lumabas ng kwarto ko.
Tinitigan ko lang ang medyo nakaawang na pinto ng kwarto ko. Ilang beses kong pinikit at minulat ang mga mata ko at pinilig rin ang ulo ko.
Maybe it's just a dream. Maybe that's just my imagination. Maybe I'm just half-awake. Maybe-
"Opo! Gising na po siya!" Narinig ko ang boses niya at nagmamadali siyang pumasok sa kwarto ko nang may dalang isang basong tubig at gamot sa isa niya pang kamay.
"Kanina ka pa ba gising? Sorry. Nakatulog ako. Dapat talaga hihintayin kita eh para maipainom ko ito kaagad." Tuloy-tuloy niyang sabi habang sa makalapit siya sa akin at umupo sa paanan ng kama ko.
Ganun pa rin ang reaksyon ko. Nakakunot ang noo at medyo nanlalaki pa ang mga mata. Is everything normal? Am I not dreaming?
"Huy. Alam ko namang cute ako pero mamaya mo na ako titigan. Inumin mo muna ito." Sabay lahad niya sa dalawa niyang hawak.
Tinanggap ko na lang ito at ginawa ang kung ano ang gusto niya. Baka pag ininom ko ito ay bigla akong magising o baka maalala ko kung ano man ang hindi ko matandaan.
Ilang minuto akong nakatunganga at pilit na iniintindi ang mga nangyayari. Nakatitig lang naman siya sa akin. Naramdaman ko rin na medyo nawala na ang sakit ng ulo ko.
Naalala ko lang na may kasama pala ako nang halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita siya.
"Okay ka na ba?"
BINABASA MO ANG
A Daze To Nostalgia
Novela JuvenilA rebel girl who seeks adventure. A bubbly boy who needs acquaintance. And together, they'll take a daze to nostalgia.