Nostalgia // Sparksfly
Halos manlisik at halos tunawin niya sa titig ang lalaking nambabastos sa akin kanina.
"What the hell, man!" Sigaw nung lalaki habang tumatayo at pinupunasan ang dugo sa labi.
"Pare, kung ayaw, huwag pilitin." Kalmado ngunit seryosong sabi ni Matt. Bawat paghinga niya ngayon ay napakabigat. Nakita ko ring nanginginig ng kamao niya. Hahawakan ko sana ito nang may dumalong bouncer sa isang lalaki na iyon at iginaya na sa labas. Nagtanong rin ang isang bouncer kay Matt sa iba pang nangyari.
Patuloy pa rin ang mga tao sa dancefloor. Siguro ay hindi nila nakita ang mga pangyayari.
Nang matapos kausapin si Matt ay halos manghina ang tuhod ko sa matalim na titig niya sa akin. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila papunta sa labas.
"What the heck, Matt! Bitawan mo nga ako!" Buong lakas kong sigaw. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa akin kaya medyo nasasaktan ako.
"Shut up, Faith." Nagulat ako sa boses niyang buong buo at may awtoridad. Did he just called me Faith?
Nang makalabas na kami sa bar ay kumawala ako sa hawak niya. Nasa may parking lot na kami na malapit sa event area na pinagdausan kanina ng formal program. May mga ibang tao pa doon at malakas pa rin ang pagpapatugtog nila.
Hindi na ako nagdalawang-isip na isigaw sa mukha niya ang lahat ng saloobin ko na kanina ko pa tinatago sa sarili ko.
"Walang hiya ka! Ang lakas ng loob mong i-text ako at sabihing ako ang nang-iwan sa'yo when in fact you're the one who left me! You're the fucking one who's having a date with another girl! You're the one who's having fun! And when I try to have fun on my own, you're the one who's taking it away from me! You're the one who doesn't want me to be happy!" Hinarap ko siya at sinuntok ang dibdib niya. I don't freaking know why kung bakit hindi siya natitinag. Talaga bang malakas siya, o hindi gaanong malakas ang suntok ko dahil nakainom ako.
Nakakalunod at nakakatakot ang titig niya sa akin. Hindi man lang siya ngumingiti. Heto nanaman siya. Hindi ko siya kilala kapag ganito siya.
"You call that having fun, huh? Eh halos bastusin ka na nga nung lalaking 'yun eh! Halos mahalikan ka na nga nung lalaking 'yun! Fuck! Baka makuha niya yung first kiss mo!" Frustrated niyang sabi. Did I heard him, right? Did he just cursed? Hindi siya nagmumura, di'ba? Did I made him cursed? Hindi ko alam kung bakit may naramdaman akong saya. I made him cursed! I'm so happy pero hindi pwedeng ako ang matalo sa usapang ito.
"I was supposed to have fun in two ways! It's either if you didn't left me, or if you didn't showed up to ruin my night! At hinding-hindi makukuha ng lalaking 'yun ang first kiss ko because I already have one!"
I swear, mukha kaming shungang nag-aaway sa parking lot ngayon. Some people in the event area are watching at us but who the hell cares?! And yes, unfortunately I had my first kiss before and it's with a girl. Unfortunately, si Aly ang tinutukoy ko. Damn that crazy bitch!
Napalunok ako nang unti-unti siyang lumapit sa akin kaya't napaatras na lang ako.
"You had your first kiss?" Mas kumunot ang noo niya at halos malaglag ang nag-iigting niyang panga sa sinabi ko. Kalmado ang pagkakasabi niya ngunit mas lumala ang intensidad nito.
Ngayon ay naramdaman ko na nakasandal na ako sa isang kotse at nakataas ang dalawa niyang braso sa magkabilang gilid ko. I'm trapped and I can see the fire in his eyes and it''s melting my cold heart. No, this shouldn't be.
BINABASA MO ANG
A Daze To Nostalgia
Teen FictionA rebel girl who seeks adventure. A bubbly boy who needs acquaintance. And together, they'll take a daze to nostalgia.