Nostalgia 33

49 3 5
                                    


Nostalgia // Cold


Natigil lang kami sa pagsayaw nang maramdaman naming tumigil na ang pag-ulan. It's weird because we didn't talked that much, we just enjoyed dancing pero ni hindi man lang kami napagod.

"Doon na tayo sa kotse, baka magkasakit ka pa."

This time, sumunod na ako sa sinabi niya. Sobrang basang-basa kami. At natigilan ako sa tapat ng kotse niya. Napalingon siya sa akin.

"Pasok ka na."

"Basang-basa ako." Nahihiya ako. Ang ayos-ayos kaya ng kotse niya. Mamaya, humingi siya ng bayad na mahirap kapag nabasa ang loob ng kotse niya.

"Eh ako rin naman eh." Natatawa niyang sagot.

Nang sumakay na siya sa driver's seat, wala na rin akong nagawa at pumasok na rin sa front seat.

Nagulat na lang ako nang makita kong hinuhubad niya ang puting polo na sa pagkakaalam ko ay yung suot niya sa ilalim ng coat niya kanina nang nakatuxedo siya.

Napatingin tuloy ako sa kalsada. Damn! Hindi ba siya naiilang sa akin? Nakita ko na lang sa gilid ng mga mata ko ang paggalaw niya kaya naman napatingin ako sa kanya. May kinuha siya sa backseat at nakita ko kung paano magflex ang biceps niya. What the heck! Nag-iwas kaagad ako ng tingin.

"You should remove your jacket. May shorts ka ba sa ilalim ng dress mo, Doroteng?" Tanong niya.

Nang mapatingin ako sa kanya ay nakablack v-neck shirt na siya.

"Meron naman." Sabi ko.

Dahan-dahan ko namang inalis ang denim jacket ko. Kinakabahan pa rin kung anong mangyayari. Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin at ang pag-iwas rin kaagad ng tingin. Nagtiim pa ang panga niya.

Napatikhim ako nang tuluyan ko ng maalis ang jacket ko. I feel awkard wearing this black dress. Spaghetti strap lang kasi siya at basang-basa pa.

Marahas siyang napabuntong-hininga at biglang lumabas ng kotse niya. Buti na lang at wala ng ulan.

Binuksan niya ang pintuan sa backseat at may kung anong kinalkal siya doon.

Nagulat na lang ako nang may hinagis siya sa akin na t-shirt.

"Isuot mo 'yan. Bilisan mong magbihis. Dito muna ako sa labas, tinted naman yung sasakyan." Mabilis niyang bilin at sinarado na ang pintuan.

Nakita ko naman siyang lumayo muna sa kotse. Mabilis akong nagbihis ng binigay niyang blue na t-shirt. Sobrang laki at loose nito sa akin na kapag tumayo siguro ako ay baka mapagkamalan nilang wala akong suot na shorts. Napangiti na lang ako nang makitang superman logo ang print nito.

Binuksan ko ang bintana.

"Oy! Tapos na ako." Sigaw ko. Napalingon naman siya sa akin at mabilis na lumapit sa kotse.

"Pakiabot nga yung polo ko kanina tapos yung dress mo."

Kahit naguguluhan ay binigay ko sa kanya ang hinihingi. Napangiti na lang ulit ako nang makitang piniga niya muna ito bago pumasok sa loob ng kotse niya at binigay sa akin ang dress ko.

Halos mailang naman ako nang tignan niya ako pati na rin ang suot ko nang sumakay na siya.

"M-may shorts ka?"

"Oo."

"Sure?"

"Oo nga! Ito oh!" Nainis na ako kaya medyo tinaas ko ang t-shirt niya at pinakita sa kanya ang black na shorts ko. Nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya at napaiwas ng tingin.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon