Nostalgic Memories

94 5 2
                                    

Nostalgia // Nostalgic Memories


" 'Pre, watdapak! Nasaan ka na?!" pambungad ni Jasper. Walang hello-hello. Walang kumustahan. 

Napangisi na lamang ako dahil kahit naririnig ko lang siya dahil sa dalawang earphones na nakasalpak sa tainga ko ay naiisip ko pa rin kung gaano kairitado ang mukha niya ngayon.

"Malapit na. Chill lang. Masyado mo akong namimiss eh. Yie!" pang-asar ko sa kanya. 

At ang gago, minura lang ako bago binabaan ng telepono.

Napasilip naman ako sa labas ng bintana ng kotse habang nagd-drive. Napailing na lang ako nang makita ko ang napakahabang traffic. 

Ngayon pa talaga. 

Ngayong araw pa talaga.

Masasabi ko na bilang isang tao, mahaba ang pasensya ko pero hindi ko alam kung anong nangyari at naglaho na lang yata lahat ng iyon kaya't hindi ko na napigilan ang pagpindot muli sa busina nang paulit-ulit.

Hindi gaanong mainit ang panahon. Sakto lang. Maganda sana ang araw pero umiinit na ang ulo ko.

Paano ba naman kasi . . . baka mainip na siya.

Mas lalo naman akong nabahala nang magtext pa si Jasper sa akin. All caps.


Jasper Gago

HOY! YUNG PINSAN KO NAGHIHINTAY KANINA PA! BILISAN MO!


Damn.

Napasapo na lang ako ng noo dahil iniisip ko pa lang na nagpapahintay ako sa isang babae ay hiyang-hiya na ako. Sa kanya pa talaga.

Halos lumipad naman na ang kotse ko nang simulan ko itong patakbuhin nang umusad na ang traffic. 

Habang nagma-maneho ay napatingin ako sa rearview mirror. 

Nakita ko na nandoon pa naman yung bouquet of flowers, maraming balloons at yung letter na pinagpuyatan ko kagabi. 

Nakailang attempts nga ako dahil kung hindi pantay ang pagkakasulat ay nagkakamali naman ako. Kaya balik sa una. Buti na lang at natapos ko nang maayos kahit hindi kagandahan yung sulat ko.

Nasilip ko rin yung mga pictures namin na nasa dulo ng sinulid sa mga lobo. 

Mga larawan namin na may mga masasayang alaala.

Napangiti ako nang wala sa oras nang maisip ko siya . . . yung ngiti niya habang inuulit namin ang lahat.

Nang masiguro kong bumalik na yung dati niyang lakas at hindi na siya namumutla, sinamahan ko pa siyang magpakulay ng buhok. Pulang-pula. Ayun, para siyang batang anghel na tuwang-tuwa. Feeling niya ang astig astig niya. 

Naghukay rin kami. Nung family day kasi ng pinsan niyang bata, nangangailangan sila ng parents or guardian. Eh saktong hindi makakapunta yung tito at tita niya kaya nagvolunteer kami na kami na lang ang um-attend sa school ni Yap Yap. Yung isang laro doon, treasure hunting. At dahil magaling ako, syempre, kami ang nanalo.

Isa sa mga naging paborito ko, yung road trip namin. Kasama pa namin sila Aly at Tarah nun. Hindi ko kilala kung sino yung dalawang lalaki pa na kasama basta't magkasundo kaming lahat. Nag-overspeeding pa nga kami nun dahil medyo nakainom at ayun . . . napunta pa kami sa presinto. Naayos naman ang lahat kahit papaano.

Tawang-tawa naman ako nang samahan ko siyang um-attend ng art exhibit. Masyado siyang na-inspire sa mga paintings kaya pagkatapos namin doon sa museum, diretso kaming mall at bumili ng painting materials niya. First attempt niya? No comment. Basta ang alam ko, hindi siya naging masaya at halos mamatay ako sa kakatawa.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon