Nostalgia 3

150 7 6
                                    

Nostalgia // Van

"Ano bang problema mo ha?!" Hanggang ngayon na nasa airport na ulit kami at hinihintay yung mga bagahe namin, nagpapacute pa rin siya sa akin o ano ewan ko ba. Mukha siyang tanga. Eh paano nakapout pa rin hanggang ngayon, akala mo naman mukha siyang cute pero sabagay cute naman. Yung dimple niya kasi eh. Pero kahit na, mukha pa rin siyang shunga.

Hindi niya ako sinagot imbis tumingin na lang siya sa phone niya at mukhang nagtype. Buti pa siya. Naalala ko nanaman yung phone kong nawala.

"Pag-usapan na lang natin yung deal natin," nagulat ako nang biglang masaya nanaman hitsura niya. Seriously, I don't know what to think to this guy now. Una, he was like a jerk that turned in to a cute and turned in to a jolly person. Bipolar yata ito eh. Kairita.

Kinuha na muna namin yung mga bagahe namin nang makita na namin ito at naglakad na.

"So you'll be my tour guide and you saw that I'm legit, right? Binayaran ko ang pamasahe mo. At hindi ka naman pwedeng tumakas dahil wala kang phone pangcontact and you also don't have any money for you to live here so you're stuck with me."

Wala na akong ibang magawa kundi sumimangot dahil bukod sa tama lahat ng sinabi niya eh ang bigat bigat rin nitong mga dala ko.

"But no worries! Dahil marami namang benefits ang pagiging tour guide ko," sabi niya at ngiting aso nanaman siya. Grabe mukha siyang alien. "Ako ang bahala sa lahat ng kakainin mo, sa pags-stay-an mo, take note magkaiba tayo ng kwarto sa hotel, alam mo na mahirap na baka pagsamantalahan mo pa ako."

Napatingin ako sa kanya, napanganga at napataas ng kilay pero bago pa ako makapagsalita, nagsalita nanaman siya.

"At syempre may sweldo ka rin naman sa akin at bonus na rin yung gwapo ang lagi mong makakasama," hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinasabi ng taong ito. Feeling ko liliparin na ang gums ko sa sobrang hangin.

"And actually," humarap siya sa akin kaya naman napahinto kami sa paglalakad. "Hindi naman talaga tour guide ang role mo eh, magiging travel partner or mate lang kita. Boring kasi pag mag-isa lang ako eh. Sobrang swerte mo nga eh, mage-enjoy ka na nga, libre na lahat at may sweldo ka pa!"

Well kung iisipin mo mabuti, great deal nga naman talaga ito.

"Pero teka, ilang days ka ba dito?" tanong ko sa kanya.

At muli nakita ko nanaman ang pagngisi niya at hindi ako makapaniwala sa narinig ko...

"For as long as I want."

I don't know how I got in to a situation like this. Hell yeah! I tried sleeping in a room with a guy but nothing happened and I always make sure na I've known that guy for at least 2 years and we're friends. Pero ngayon ko lang mat-try matulog sa iisang kwarto with a guy that I just met 5 hours ago! At bukod pa diyan, mukhang hindi talaga katiwa-tiwala ang lalaking ito dahil sa way ng pagngiti niya.

"Oh, bakit hindi ka pa pumapasok?" this guy asked.

Paano ba naman kasi? I'm stucked here in the goddamn door, jaw-dropped with 3 big bulky travelling bags.

Lumapit ako sa kinaroroonan ng lalaking ito na nag-aayos na ng mga damit niya sa cabinet ng hotel.

"You told me we're going on a separate room, bakit ganito? Are you kidding me?!"

"Woah woah calm down!" he said with his hands signing to stop me. "Beast mode ka nanaman! Para namang hindi mo narinig yung sinabi ng receptionist kanina. Iisa na nga lang ang available room, we should consider ourselves lucky dahil sa atin pa napunta ito. Tsaka bakit ka ba nagkakaganyan? Eh diba dapat ako ang nagf-freak out dahil baka pagsamantalahan mo nga ako?" This guy. Argh! Those words came out from his mouth easily at napakainosente pa ng pagkakasabi niya.

A Daze To NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon