Nostalgia // Mudded Converse
"Ooh la la!" sigaw ni Jasper pagkapasok pa lang namin sa gate ng bahay. Hindi man lang muna tumayo para i-acknowledge sana ang pagdating namin ni Matt o kamustahin kami kung okay lang ba kami pero para bang nang-aasar pa ito. Sabagay, typical Jasper be like that.
At dahil si Jasper at ang ibang kaibigan niya lang ang nandun kagaya ni Carl, Joshua at Neil yata ang mga pangalan halos nakakalokong ngiti ang pinakita nila sa amin. Nasaan ba ang mga tito, tita at lola ko? Kung sabagay, baka magkaroon pa ng gyera kung makita nila kaming ganito.
Tumayo si Jasper at nagfist bump sila ni Matt, inakbayan rin ni Jasper ang kaibigan.
"Kamusta pare? Ayos ba? Kwento ka naman." sabi pa niya dito.
Napanganga na lang ako sa mga nangyari habang nauna na silang dalawa maglakad samantalang ako ay naiwan sa kinatatayuan ko.
Hello? Pinsan niya, umuwing basa at iba ang suot na damit, ang kasama naman ay walang pangtaas na damit tapos hindi man lang niya ako pinansin o kamustahin man lang? Talagang inuna pa niya ang kaibigan. Hayst. Typial Jasper nga naman oh.
Nakita ko namang bumulong si Matt kay Jasper at nakita ko ang pagsilip ng mga mata ni Jasper sa akin at ngumiti ng nakakaloko. Nag-apir pa silang dalawa. Talaga naman!
"H-hoy! A-ano 'yang mga sinasabi mo?!"
"Bakit? May kailangan ba akong hindi malaman couz?" nang-aasar na sabi ni Jasper habang pinapataas taas niya pa ang kilay niya.
"W-wala! Para namang may ginawa kaming mali." I rolled my eyes and crossed my arms.
Nakita ko namang bumulong ulit si Matt kay Jasper at tumawa silang parehas. Lumapit na lang ako at binatukan sila.
"Bakit kayo tumatawa?! Ano bang nakakatawa ha?!"
Mamaya nyan, nasilipan pala ako ni Matt habang nagbibihis ako. Shocks! Lagi pa naman akong inaasar ni Kasper na flat chested daw ako. Nakakainis! Baka parehas na nila akong iniinsulto.
"Bakit ka ba nagagalit? Mukha ka namang guilty." Natatawa pa si Jasper.
"Sinabi ko lang naman na napapayag na kita sa deal natin." sabi naman ni Matt.
Haay salamat. Akala ko naman kung ano-ano na ang mga sinasabi niya sa pinsan ko. Pero oo nga pala! Yung deal. Deal deal na yan eh, bakit pa kasi nauso ang mga 'yun.
Umakyat na lang muna ako sa kwarto ko, naligo at nagbihis.
Kinaumagahan ay nagising ako ng alas-dos ng hapon dahil sa isang katanungan at dahil na rin sa init ng panahon. Ilang araw na lang ba bago ulit magumpisa ang panibago naming sem? Mga next next week ay pasukan nanaman namin at babalik nanaman ako sa pamumuhay na mapiplitan akong mag-aral, para grumaduate, para maghanap ng trabaho at para makapagtrabaho. Aish! I'm freakin' tired of my own life and I want adventure! I need adventure!
Nagulo naman ang pagmumuni muni ko ng biglang nagring ang phone ko. Yep, binilhan ako ulit nila mommy in case of emergency raw. Pff. Para namang kailangan ko ang tulong nila tuwing may emergency, right? Eh baka nga isang sipa ko lang sa taong mananakit sa akin, sila pa ang kailangang tumawag ng emergency.
Nakita ko naman na si Ivan ang tumatawag at hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Agad ko namang sinagot ang tawag.
"Oh? Problema mo?" panimula ko.
"Wow ah, hello rin." Narinig ko ang sarcasm sa boses niya.
Napakagat na lang ako ng labi para pigilan ang pagngiti ko. Ang weird, dahil hindi niya rin naman ako makikita.
BINABASA MO ANG
A Daze To Nostalgia
Teen FictionA rebel girl who seeks adventure. A bubbly boy who needs acquaintance. And together, they'll take a daze to nostalgia.