Chapter 1 (AIKM)

513 12 0
                                    

-->  Park Dara as Sharmaine Dela Cruz

---

Sharmaine's  POV

Ilang araw nalang pasukan na.
Nagdaan na ang pasko pati na rin ang bagong taon. Bakit ganon? Ang bilis ng araw bitin pa ako sa christmas break eh.

At heto ako ngayon, nakaupo sa kama at narinig ko na lamang na may kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Sharmaine?..lumabas kana diyan at bumaba. Dahil handa na ang breakfast sabi ng mga maids."

"Yes momy."

kaya't tumayo na ako sa kama at dali daling nagpunta sa banyo. Para gawin ang aking daily routine.Then after ko matapos sa ginagawa ko.  Bumaba na ako para kumain na ng breakfast.

Makikita sa lamesa ang mga hinanda ng maids para sakin. Milk na inumin ,Sausage with omelet na may kasama ng fried rice.

Kaya naupo na ako sa tabi ni momy at nagsimula ng kumain. Napansin ko namang wala si dady.

"Momy, where's dady?"

Tanong ko kay momy habang patuloy padin ako sa pagkain.

"Nasa work na."

Sabi ni momy habang patuloy padin sa pagkain.

"Agad? Ang aga naman, gaano ba kaimportante yang trabaho niya at kulang nalang doon na siya matulog."
Pagtataray kong sagot.

Nakita ko naman na napatigil si momy sa pagkain at tumingin sa akin ng masama.

"Wag ka nga magsalita ng ganyan sa dady mo. Ginagawa niya ang lahat ng ito para sa atin. Para sayo!  unica ija ka namin at gagawin namin ng dady mo ang LAHAT para mabigay ang mga luho mo."
Dahil sa narinig ko parang nagalit lalo ako.

"Luho? Hindi ko kelangan ng luho, ang kailangan ko... kompletong pamilya. Pagdating sa ganitong oras ng almusal. Hindi ko na nga siya nakikita sa gabi pati ba naman sa umaga." Nakakainis lang hindi ba nila maintindihan yun.

Sa sobrang pag ka irita ko tumayo ako sa kinauupuan ko at dali daling lumabas ng bahay. Narinig ko PaNG tinawag ako ni momy.

Pero hindi ko siya nilingon. And besides, ayoko dito.. malaki nga bahay namin pero hindi naman lagi kompleto. Lagi nalang silang busy sa work nila, lalo na si dady.

Nakakapag tampo, sana naisip niya na may anak siyang kailangan ng kalinga niya bilang ama.

oh .. cut this drama..
Hindi ko nalang namalayan, nasa park na pala ako.

Hindi ko alam kung bakit ganito  ang nangyayari sa buhay ko. Maganda ako, matalino at mayaman, pero parang kulang parin dahil narin sa pamilya ko.

Habang nakaupo ako sa upuan may natanaw akong isang lalakeng parang (A/N: Sorry for the word ha?) Tatanga tanga . Nakita ko yung lalaking may mga dalang mga paper bags na sobrang dami, tapos bigla nalang ito nag sipaghulog. Dahil may dumaan lang na asong maliit sa harapan niya. Ang weird niya, Swear.

Kaya tumayo nalang  ako sa kinauupuan ko at pumunta sa nagtitinda ng ice cream. Oo mayaman ako, pero hindi ako katulad ng ibang mayaman na mahilig pumunta ng ice cream parlor para lang bumili ng ice cream.

Okay na saken ang mga nag titinda sa mga streets mas sanay ako dun . Ang binili ko ay, cookies n' cream my favorite flavor pagdating sa ice cream.

Pagkatapos ko bumili ay umalis na ako sa nagtitinda ng ice cream.

"Ahhh!"
Napasigaw nalang ako ng natapunan ako ng ice cream na kinakain ko.

"Pa-pasensya na po... hindi ko po sinasadya, nag mamadali ho kasi ako."

Ang Inosente Kong Manliligaw (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon